Chapter 4

1173 Words
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan ni Dad. Alam kong kahit s'ya ay ayaw na ikasal ako sa taong hindi ko mahal pero wala s'yang magawa dahil hiling 'yon ng pinakamamahal n'ya. Alam kong nahihirapan na rin si Daddy kaya pinag-iisipan ko kung tatanggapin ko ba o hindi. Ayaw kong maipit sa amin si Dad, even though Mom passed away alam kong gagawin n'ya ang hiling nito. Kaya lihim akong napabuntong hininga sa mga naiisip ko. Pagkatapos naming kumain ay nag-ayos agad ako at kinuha ang mga gamit ko pero biglang kinuha ni Ryzk ang bag ko kaya napatigil ako at tinignan s'ya pero kindatan lamang n'ya kaya napailing ako pero bago ako umalis ay hinarap ko si Dad. "Dad..." tawag ko sa kan'ya kaya nag-angat s'ya nang tingin. "Hayaan n'yo po munang pag-isipan ko 'yon." Biglang kumunot ang noo ni Daddy pero mayamaya ay biglang nanlaki ang mata n'ya sa gulat. "Reese!" rinig kong sigaw sa akin ni Ryzk. Siguro napagtanto n'ya rin kung anong sinasabi ko katulad ni Daddy. "Ayoko na po kayong mahirapan. Alam ko pong katulad ko ay ayaw n'yo rin po akong ikasal sa taong tinutukoy ni Mommy pero alam kong nangako rin po kayo kay Mommy na hihilingin n'yo po kung anong kahilingan n'ya kahit wala na s'ya rito. I know you love me, Dad, pero mas mahal mo po si Mom. Kaya hayaan n'yo po muna akong mag-isip tungkol do'n." sabi ko at halatang natulala ito sa mga sinabi ko. "Anak..." "Alis na kami, Dad." sabi ko at hinatak si Ryzk papalabas ng bahay. Nang makarating na kami sa kotse ni Ryzk ay hinawakan n'ya ang braso ko para pigilan akong buksan ang pinto at hinatak papaharap sa kan'ya. "Ano 'yong sinasabi mo kanina, ha?!" galit na sigaw nito sa akin kaya napakislot ako. "Sinabi ko 'yon dahil alam kong nahihirapan na si Dad!" sigaw ko pabalik kaya natigilan s'ya. "Ayoko ng pahirapan si Daddy kaya nanghihingi ako ng oras sa kan'ya. Alam kong ayaw n'yang mamili sa'ming dalawa ni Mommy dahil pareho n'ya kaming mahal pero alam kong nangako s'ya kay Mom natutuparan n'ya ang kahilingan n'ya kahit wala na s'ya rito dahil ganun n'ya kamahal si Mommy. Mahal ko rin si Mom kaya pinag-iisipan kong mabuti. Baka kasi sa ganitong paraan makabawi man lang ako sa kan'ya." sabi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil pinunasan ni Ryzk ang pisngi ko at hinawakan n'ya magkabilang braso ko sabay hinatak papalapit sa kan'ya at niyakap. Kaya isinubsob ko ang muhka ko sa dibdib n'ya at niyakap ang bewang n'ya. Umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib n'ya habang s'ya ay hinahagod ang likod ko. Hindi s'ya tumigil sa paghagod sa likod ko hanggang hindi ako tumatahan. Hanggang ngayon ay ginagawa pa rin n'ya ang bagay na 'yon kapag umiiyak ako. Kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako kasi nandito s'ya sa tabi ko. Pag-iisipin ko talaga mabuti ang magiging desisyon ko dahil una at huling kahilingan ito ni Mommy. Siguro ito na ang una at huling gagawin ko ang kahilingan ni Mommy. Siguro ako naman ang gagawa at tutupad sa kahilingan. Lagi na lang kasi ang Mommy ko ang tumutupad sa mga kahilingan ko. Tama naman na sigurong pagbigyan n'ya ito. Pero katulad nga ng sabi ko ay pag-iisipan ko itong mabuti. Humiwalay na ko kay Ryzk ng kumalma na ako. Tinanggal ko ang luha sa muhka ko at inayos ang sarili ko pagkatapos ay bumuntong hininga ako at tiningala s'ya sabay nginitian. "Tara na. Baka ma-late pa tayo." sabi ko kay Ryzk na parang walang nangyari. Tumango lamang ito at binuksan ang pinto ng kotse para sa kan'ya. Pumasok ako kaagad at inabot naman sa akin ni Ryzk ang bag ko sabay sarado ng pinto kaya isinuot ko kaagad ang seatbelt. Pagkapasok naman ni Ryzk ay nagsuot agad s'ya ng seatbelt at pinaandar ang sasakyan at nagmaneho papaalis ng bahay. Tahimik lamang kaming dalawa papunta sa school. Kahit nang makarating kami sa parking lot ng school ay tahimik lamang kami. Kinuha n'ya ang bag ko ng makababa s'ya sa kotse at inakbay pa ako habang naglalakad kami papunta sa klase ko. Tahimik pa rin kaming dalawa kahit na karating na kami sa classroom ko. Bago n'ya ibinigay ang bag ko ay kinabig n'ya ako papalit sa kan'ya at hinalikan sa noo. Pagkatapos n'ya akong halikan sa noo ko ay binigay n'ya sa akin ang bag ko. Pero hindi pa rin n'ya tinatanggal ang pagkaka-akbay sa akin kaya tiningala ko s'ya at s'ya naman ay tumungo para magkatinginan kami. "Kamay mo..." nakangusong sabi ko kaya ngumisi s'ya at ginulo ang buhok ko gamit ang kamay na naka-akbay sa akin kaya mas lalo humaba ang pagkakangunguso ko. "Sabay tayong mag-break mamaya?" nakangising tanong n'ya kaya nginitian ko s'ya at tumango. "Sige na, pumasok ko na." sabi n'ya at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin at ipinasok sa mga bulsa n'ya ang mga kamay n'ya. Pero bago ako pumasok ay hinalikan ko muna ang pisngi n'ya at nginitian s'ya kaya ng tignan ko s'ya ay ngumiti rin s'ya sa akin at umiling kaya pumasok na ako sa room ko. Pagkapasok ko ay agad kong nilagay sa upuan ko ang bag ko at umupo ro'n. Pagkapasok ng professor namin ay nagsimula na ang klase namin. "Class dismissed!" Sabi ng professor namin ng magbell hudyat na break time na namin. Kaya mga nagsilabasan ang mga kaklase ko kaya kinuha ko muna ang mga kailangan ko at lumabas ng class room. Habang naglalakad ako papunta sa cafeteria ay biglang may umakbay sa akin kaya tiningala ko ito at bigla na lang bumilis ang t***k ng puso ko ng makitang si Reo pala ang umakbay sa akin. Nang maramdaman n'ya siguro na tinitignan ko s'ya ay tumingin s'ya pababa para magtama ang mga mata na mas lalong nagpabilis ng pintig ng puso ko. Pero kahit gano'n ay normal lamang akong tumingin sa kan'ya. Ayoko kasi na lahat ng ginagawa ni Reo habang magkasama kami ay lalagyan ko ng malisya. Baka umasa lamang ako at masaktan sa mga ganito. Kahit naman kasi noong wala pa akong gusto sa kan'ya ay gan'to na s'ya. Minsan ay mahilig talaga s'yang akbayan ako, minsan pa nga ay hinahawakan n'ya ang kamay ko pero baliwala lamang iyon sa akin. Hindi naman porket na nagkaro'n ako ng feelings sa kan'ya ngayon ay lalagyan ko na ng malisya 'yon. "Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. "Sinundo kita dahil sasabay ako sa inyo ni Ryzk." sabi n'ya sa akin kaya tumango-tango ako. Yes, they say that actions speak louder than words but actions without words are confusing. Kaya kahit ganito s'ya kailangan ko pa rin ng mga salita pero kahit kailan ay hindi 'yon mangyayari dahil hindi naman magkakagusto sa'kin si Reo. Kapatid lamang ang turing nito sa'kin. "Ba't ikaw ang sumundo sa'kin?" napailing ako. "Dapat hindi mo na ko sinundo." Umiling s'ya. "It's fine." sabi n'ya at nginitian ako. Heart, kalma ha? Baka magulat na lang ako lumabas ka na r'yan dahil sa paghaharumentado mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD