SA BUONG araw na masama ang pakiramdam ni Fay ay si Storm ang palaging nakaalalay sa kaniya. Kapag tatayo siya para kumain, mag-CR ay hindi ito nawawala sa tabi niya. At sobrang thankful si Fay dahil hindi siya iniiwanan nito. Alam niyang abala ito sa buhay pero hindi rin niya mapigilan ang sarili na magustuhan na palaging kasama ang binata kaya kung pwede lang talaga ay ganoon na lang palagi ang sitwasyon nilang dalawa. “Fay, oras na ng inom mo ng gamot,” narinig niyang wika nito kaya napalingon siya rito dahil sa sigasig nito ay mabilis lang ding nawala ang lagnat niya. Kasalukuyan pa rin siyang nakahiga sa malaking kama nito. Kinuha niya ang gamot ibinigay nito saka iyon isinubo at ininom niya ang tubig na nakalagay sa tray na hawak pa rin ng binata. “Thank you!” nakangiting pasalamat

