MAHIGIT isang linggo na rin na puro pagtatalik ang ginagawa ni Storm at Fay. Ni minsan sa buhay ni Fay ay hindi niya inisip noon na mapapasok siya sa ganoong klaseng gawain dahil sa pinalaki siyang conservative ng Mama niya pero heto siya at baliw na baliw sa bawat hawak at halik sa kaniya ni Storm na para bang mababaliw siya kung hindi man lang niya ito mapagbigyan sa tuwing tinutudyo siya nito. Halos sa lahat ng parte ng yate na iyon ay nagawa na yata nilang mágtalik, since nasa gitna pa rin naman sila ng dagat. Although, kahit paano ay humanap naman si Storm ng spot kung saan may kita naman silang mga ilaw sa gilid ng pangpang ng dagat. Pero parang kahit saan na lang sila abutan ni Storm ay wala na rin siyang pake, nasubukan na rin nilang mágtalik sa mismong deck ng yate, sa may hagdan

