“NAPAKABOBO mo naman, Lucas!” galit na galit na sigaw ni Genevieve sa pinsan. “Si Fay lang ang kailangan mong paalisin hindi mo pa magawa-gawa! Napakapalpak naman kasi talaga ng plano mong ginawa! Hindi mo siya mapapaalis dahil lang sa isang gawa-gawang complain tapos hindi mo pa ginawa ng malinis! Malamang mapupulaan ka talaga nang dahil sa katangahang ginawa mo! Matalino ‘yang kalaban mo kaya dapat utak ang gamitin mo!” “Putcha naman, Genevieve! Eh di sana ikaw yung gumawa! Ikaw yung may issue sa kaniya, hindi ba? Ikaw yung may ayaw sa kaniya na mag-stay siya sa kompanya ninyo! Ano bang mapapala ko kung magtrabaho siya riyan o hindi! Wala naman hindi ba? So, if I were you, ako na lang ang gagawa nang mga plano na gusto mong mangyari tutal iyan na, eh, ikaw na lang din naman yung magalin

