“ANONG sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Genevieve sa pinsan, kahit sa telepono lang sila magkausap nito ay parang nagpapantig ang tenga niya sa narinig. “Gusto mo talaga inuulit ko pa?” sarkastikong sagot naman ni Lucas. “Narito nga si Storm at magkasama nga sila ni Fay.” “Hindi pa rin pala talaga sila tumutigil!” inis na inis na wika niya. “I-trigger mo si Storm,” utos niya sa pinsan. “Paanong i-trigger?” naguguluhang tanong naman nito. “Inisin mo siya gamit si Fay, masyadong maikli ang pasensiya niya pagdating sa stepsister niya.” “Nagpapatawa ka ba, Gen? Nasuntok na nga ako ng isang beses, gusto mo bang mas malala pa abutin ko!” reklamo naman nito. “Huwag ka nang magreklamo! Kailangan ko ng matibay na evidence na mayroon talagang relasyon ang dalawang ‘yon! At ito ang ta

