"KUMUSTA na ang pakiramdam mo?" tanong sa kaniya ni Storm nang makasabay niya ito sa pagbaba ng hagdanan. "Okay lang naman, hindi naman na masyadong masakit," tugon naman niya. Ilang araw na rin naman ang nakakalipas mula nang mangyari ang insidente ng pagtulak ni Genevieve kay Fay at nang umalis ito sa mansyon. Maging si Storm ay totoong naging abala na sa pag-aaral ng pamamalakad ng Chavez Shipyard Corporation ayon na rin sa kagustuhan ng ama nito kaya nang araw na 'yon lang din nagkita ang dalawa. Dahil talamak ngayon ang export at import ay talaga namang napakalakas ng negosyo ng mga ito, kaya minabuti na rin ni Sandro na katulungin ang anak upang maaga nitong mapag-aralan iyon at naniniwala ito na mas lalaki ang negosyong iyon sa tulong ni Storm. "Ikaw, kumusta ang bago mong routi

