TAHIMIK na nag-iisip si Genevieve sa harapan ng lamesa niya sa loob ng opisina niya sa News 8. Nang dahil sa nalaman niya sa totoong pagkatao ni Fay ay hindi siya nakatulog ng maayos, lalo siyang nawawalan ng pag-asa na makukuha pa niya ang atensyon ni Storm. Sa dalawang taon nga na wala si Fay ay hindi niya nagawang makuha man lang ang loob nito kahit pa nga ilang beses siyang maghubad sa harapan nito, ni isang sulyap nga yata sa katawan niya ay hindi man lang nito ginawa. Kahit na paulit-ulit lang siyang naiinsuloto ay pauli-ulit pa rin niyang ginagawa. “GEN!” nagulat siya sa biglang tawag na ‘yon sa kaniya ni Lucas. Hindi niya napansin na nakatayo na ito sa harapan niya. “What?” salubong ang kilay na tanong niya. “At ano bang ginagawa mo rito? Hindi ka ba marunong kumatok man lang?”

