DEANS:
papunta ako ngayon sa condo ng girlfriend ko,syempre second year anniversary namin ngayon kaya dapat mag celebrate diba..
hi hon happy 2nd anniversary..bati ko sabay abot ng bulaklak na dala ko,,nagulat naman ako ng umiwas siya nung hahalikan ko siya,,problema neto..
deans mag usap tayo..seryosong sabi niya kaya tumango naman ako at umupo sa couch wala manlang bati pabalik...
may problema ba hon..malambing na tanong ko at bumuntong hininga naman siya,,
deans maghiwalay na tayo..seryosong sabi niya na kinagulat ko..what hiwalay bakit,anong dahilan wala naman akong kasalanan..
what?ano bang sinasabi mo hon,wag ka naman magbiro nang ganyan..sabi ko pakiramdam ko anumang oras tutulo ang luha ko,,sobrang mahal ko ang babaeng to..
deanna seryoso ako,maghiwalay na tayo,,ayaw ko na tigilan na natin to,gusto ko nang normal na relasyon,ng pamilya at hindi mo yun maibibigay sakin deanna..dirediretsong sagot niya kaya hindi kona napigilan ang luha ko,,naiyak na ako,,pagkatapos ng lahat ganun lang niya tatapusin yung samen,,minahal ko siya ng sobra,lahat binigay ko sakanya..
mitch mahal kita mahal na mahal wag naman ganito please pag usapan natin to..pagmamakaawa ko sakanya hinahawakan ko ang kamay niya pero umiiwas siya..
deanna ano ba wag mo na akong hawakan,,ayaw ko na naintindihan mo ba yun,,hindi sapat yang pagmamahal na sinasabi mo para mabuo ako,,gusto nang anak deanna gusto ko nang buong pamilya..matapang na sabi niya na parang na eecho pa sa tenga ko,alam niyang yun ang hindi ko basta basta kayang ibigay sakanya...
mitch kaya ko namang ibigay maghintay ka lang please may paraan na tayo para magkaanak,,wag mo naman ako iwan ng ganun ganun lang mahal na mahal kita mitch..patuloy na pagmamakaawa ko sakanya,,pero parang wala siyang naririnig...
its to late deanna buntis na ako kaya hindi ko na kialangan hintayin yang sinasabi mo..diretsong sabi na na nagpahina nang tuhod ko dahilan para mapaluhod ako,,niloko niya ako dahil lang sa bagay na hindi ko kayang ibigay sakanya na ganun kadali,,
kelan mo pa ako niloloko mitch minahal kita,binigay ko sayo lahat pero eto lang gagawin mo sakin...umiiyak na sabi ko,,sa sobrang sama ng loob ko pasigaw na yung pagkakasabi ko..
hindi sapat yang pagmamahal na sinasabi mo deanna,,at kahit sinong makarelasyon mo sa huli iiwan ka din dahil hindi mo din sila mabibigyan nang anak..sigaw niya sakin,para akong sinampal nang paulit ulit sa sinabi niya,,dahil ba ganito kaya ganun nalang ang mga sinabi niya,,lahat binigay ko sakanya sinuportahan ko siya financially lalo na pagkailangan niya,,minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko pero ganito lang ang gagawin niya sakin,,dahil ba hindi ko siya kayang bigyan ng anak basta basta nalang niya ako itatapon pagkatapos niyang pakinabangan...hindi na ako nagsalita umalis ako sa condo niya na regalo ko sakanya nung first anniversary namin...umalis akong punong puno ng sama ng loob at sakit sobrang sakit na lokohin ka nang taong pinag alayan mo ng lahat....