“Hindi alak ang sagot sa lahat ng sakit dulot ng pag-ibig.” Geraldine TANGHALI NA nang magising ako pero wala pa rin akong ganang bumangon. Nakahiga lang ako sa kama at nakatulala sa kisame. Ilang araw na ba akong ganito? Magdadalawang linggo na yata mula nang makipag-break sa akin si Paolo. Wala akong ganang kumain at magtrabaho. Minsan naiisip kong wala na rin akong ganang mabuhay. Dangan nga lamang at nag-aalala rin ako sa kapatid ko. Tama naman kasi siya. Kung mawawala ako mag-isa na lang siya sa magulong mundong ito. Bakit kasi kailangang danasin ko ang ganitong klaseng depression? Wala akong ibang ginawa buong buhay ko kundi magmahal. Pero hindi ko akalain na SOBRANG SAKIT ang hatid nito sa akin. Mali bang magmahal? Bakit kailangang masaktan kapag nagmamahal?

