Geraldine "WHY DON’T you even touch your food?" tanong niya nang mapansin niyang pinaglalaruan ko lang ang aking pagkain. Iniikot-ikot lang ko ang tinidor sa spaghetti at hindi man lang isinusubo. "Aren't you hungry?" "Wala na akong gana," matamlay na sagot ko. "Why?" Itinigil ko ang ginagawa at inilapag ang tinidor sa lamesa saka tumingin sa kanya. "Ano bang motibo mo?" seryosong tanong ko. "Ha?" Kunot-noong sambit niya. "P'wede bang magkalinawan tayo? Sagutin mo nang maayos kung p'wede lang. Bakit ka pumirma sa kasunduan na iyon?" "I just wanna help. Wala naman sigurong masama, `di ba?" "Pero hindi mo naman ako kaano-ano? Wala kang obligasyon na gawin `yon." "Yes. You're right. Wala nga pero after I heard your story from Grachelle, I feel something that

