Chapter 3: Gentleman

2309 Words
Sydney Ortiz “s**t! Ikaw na naman na pakialamero ka?!” sigaw ng bastos na lalaki kay sir George. Tumayo siya mula sa sahig at nang akmang susugurin niya si sir George ay agad na nakaiwas ito. At sa halip ay mabilis na nasuntok sa panga ni sir George ang lalaki. Ilang suntok pa ang pinakawalan ni sir George bago niya tuluyang bitiwan ang bastos na lalaki. Mabilis naman na may tinawagan si sir George mula sa cellphone niya at ilang sandali lang ay may mga ilang lalaki na nakapang-security ang nagpunta sa amin. Binitbit nila ang bastos na lalaki matapos makapagbigay galang kay sir George. “Alam niyo na ang gagawin sa basurang iyan. Siguraduhin ninyong hindi na makakatuntong pa rito ang lalaking iyan,” bilin pa ni sir George sa mga security na dumating. “Masusunod po, sir,” tugon ng isang lalaki saka sila tuluyan nang umalis bitbit ang bastos na lalaking nagtangka sa akin. Bumalin sa akin si sir George. “Are you okay?” marahan na tanong niya. Pinahid ko ang mga luha ko na patuloy sa paglalandas at ilang beses pa akong napasinghot saka nag-angat ng tingin sa kanya. “O-opo. Okay lang po ako,” marahan at magalang na tugon ko. “M-maraming salamat po, sir,” pagpapasalamat ko pa. “Wala iyon. Mabuti na lang at nakita kitang pinapasok niya sa loob. Alam kong sa mga tingin pa lang niya ay iba na ang pakay niya sa iyo. Kaya sana, sa susunod ay huwag kang basta-basta sasama sa kahit na sinong lalaki,” pahayag at panenermon sa akin ni sir George. “Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko,” nakayukong tugon ko rito. Bakit sa mga sinasabi niya ay parang kasalanan ko pa ang nangyari? Muli na naman tuloy nakaramdam ng matinding emosyon ang dibdib ko. Gusto ko ulit maiyak kahit katatapos ko lamang doon. Napabuntong-hininga si sir George. “Gawin mo ang trabaho mo ng may pag-iingat. Paano kung walang ibang makakatulong sa iyo sa susunod?” “P-pasensya na po,” tanging naging tugon ko na lamang. “Hindi mo kailangang humingi ng pasensya sa akin. Basta mag-iingat ka lang lagi sa susunod,” saad niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang unti-unting pagngiti niya sa akin. Nauunawaan ko na. Nauunawaan ko nang gusto lamang niya na matuto ako upang sa susunod ay mas mag-ingat na ako ng mabuti. “Salamat po, sir,” saad ko at unti-unti na rin akong napangiti sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kamao niyang namumula at namamaga. Bukod sa pagsuntok niya ng paulit-ulit sa bastos na lalaking iyon, ay alam kong pinilit niyang sirain ang lock ng pinto upang makapasok sa loob. Ilang sandali pa nang may dumating na ibang staff ng Blue Prime Hotel. “Paki-ayos niyo na lang. Alam na ni Ethan ang tungkol dito,” saad ni sir George sa dumating na staff. Tinutukoy niya ang mga nasira at nagulong gamit dito sa loob ng unit na ito. Muling bumalin sa akin si sir George. “Let’s go. Sila na ang bahala rito,” nakangiting saad niya at iginiya na niya ako palabas ng unit. Habang naglalakad kami ay mabilis ko siyang hinarap na bahagyang ikinagulat naman niya. Muli kong tiningnan ang kamao niyang namumula. “Nasaktan po kayo ng dahil sa akin,” saad ko. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya saka muling nagsalita. “Sumunod po kayo sa akin, sir,” utos ko rito saka ako mabilis na tumalikod at naglakad. May pagtataka man sa kanyang mukha ay sinunod na lamang niya ako. Dinala ko si sir George sa housekeeping store, kung saan ay walang masyadong tao na pwedeng makakita sa amin. Pinaupo ko siya sa isang bakanteng silya saka ko kinuha ang first aid kit. Humila ako ng isa pang bakanteng silya at naupo ako paharap sa kanya. Saka ko kinuha ang kamay niyang namumula at namamaga. Marahan kong pinahiran ng ointment ang kanyang kamao. Mainam na pinagmamasdan lang naman niya ako habang ginagawa ko iyon. Nang matapos ako ay saka ko ito binalutan ng benda. “Ipatingin niyo po ito dapat sa doctor, sir,” saad ko. “May alam po akong pampublikong hospital. Mura lang po doon pero sobrang galing po ng mga doctor doon,” dagdag ko pa nang matapos ko siyang bendahan. “Talaga? Pero sa tingin ko kasi… hindi ko na kailangan pang magpunta sa hospital,” nakangiting wika niya sa akin. “Po? Naku hindi po pwede! Kailangan niyo pa rin pong magpatingin para mas magamot po iyan,” tugon ko sa kanya. Pagak naman siyang tumawa sa akin. “I’m good. Sigurado akong hindi ko na kailangan pang magpatingin sa doctor.” “Sir, huwag pong matigas ang ulo ninyo. Pagka-out kop o, sasamahan ko po kayo sa doctor,” pangungumbinsi ko rito na bahagya niyang ikinatigil. “Good idea,” aniya habang tatango-tango pa. “Dati ka sigurong nurse?” nakangiting sabi pa niya sa akin habang pinagmamasdan ang kamay niyang nilagyan ko ng benda. “Po?” “Napakaseryoso mo kasi at parang alam na alam mo ang ginagawa mo,” tugon niya. “Ah… kasi po palagi kong ginagamot ang mga kapatid ko sa tuwing nasusugatan po sila,” magalang na tugon ko sa kanya. “May mga kapatid ka? Ilan?” “Dalawa po.” “Ilang taon na sila?” muling tanong niya. “Isa pong fifteen years old at isa naman pong twelve years old,” magalang na tugon ko. Akmang ibubuka pa sana ni sir George ang kanyang bibig upang muling magsalita nang may marinig kaming ilang mga kaluskos at yabag. Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil doon. “Tara, sir!” mariin na bulong ko kay sir George saka ko siya hinila sa kanyang kamay at patakbong itinago sa likod ng isa sa mga malalaking cabinet doon. “What are we doing here?” kunot-noong tanong ni sir George sa akin. “Ssh. Huwag po kayong maingay,” mahinang saway ko sa kanya saka ko muling sinilip ang mga taong nagdatingan. “Patay!” kabadong usal ko pa nang makitangg dumarami na sila. Sinilip ko ang oras sa relong suot ko. Break time na pala kaya nandito na ang mga kasama kong housekeeper upang magpahinga at kumain. Tuwing break time kasi, nakagawian na ng ilang mga housekeeper na dito na lamang tumambay upang magpahinga at kumain kaysa pa sa labas. Mas tipid daw kasi kung ganoon. “Natatakot ka ba na baka mapagalitan ka dahil dinala mo ako rito?” mahinang tanong sa akin ni sir George mula sa likuran ko. Batid kong nakasilip din siya sa mga taong sinisilip ko. “Baka po isumbong nila ako kay Ms. Leticia. Bago pa lang po ako sa trabaho ko kaya naman ayoko pong mag-init ang ulo sa akin ni Ms. Leticia,” mahinang tugon ko kay sir George habang hindi inaalis ang tingin sa mga kasamahan kong housekeeper. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni sir George kaya naman agad akong napalingon sa kanya. Ngunit hindi ko alam na sobrang lapit pala niya sa akin, dahilan upang kapwa kaming magitla nang halos isang dangkal na lamang ang pagitan naming dalawa. Dahil doon ay malaya kong napagmasdan ang kanyang mukha. Kulay brown ang kanyang mga mata habang pantay na pantay naman ang pagkakaguhit ng makakapal niyang kilay. Napakakinis ng kanyang mukha at namumula-mula pa ito dahil sa pagiging tisoy ng kanyang balat. Nakita ko pa ang paggalaw ng kanyang lalamunan at pagkuwan ay mabilis siyang lumayo at umiwas ng tingin sa akin. Nagpatikhim siya ng malakas na siyang ikinalaki ng mga mata ko dahil sa gulat. “Ano iyon?” ‘Sino iyon?” Sunod-sunod na narining kong tanong mula sa mga kasamahan ko. At nang naramdaman kong papalapit na sila sa amin ay… “Itong cotton na ito ang gusto kong ipalit mo sa room ko. Ilang beses ko na kasing nire-request na palitan ng ibang tela ang bedsheet ng kama ko pero laging mali naman ang ipinapalit doon ng mga nauutusan ko,” sabi ni sir George sa akin habang hawak-hawak ang cotton na bedsheet na nasa cabinet. Nanatili naman akong nakatulala sa kanya dahil sa mga sinabi niya. “S-sir George?” gulat na tanong ng isa sa mga kasamahan kong housekeeper din. “Ano pong ginagawa niyo rito?” “Personal lang akong nagpunta rito para makuha ang gusto kong bedsheet sa room ko,” pagpapalusot ni sir George sa mga kasamahan ko. “Naku, sir! Pwede niyo naman po sanang iutos na lamang iyon. Hindi na po sana kayo nag-abala pa na magpunta rito,” sabi naman ni Ruth. Ang tenure housekeeper. “Ilang beses ko nang iniutos iyon pero hindi naman tama ang nailalagay nilang bedsheet sa room ko,” muling pagdadahilan ni sir George na hindi ko malaman kung saan niya iyon nakuha. “Ganoon po ba? Naku pasensya na po kayo, sir,” paghingi ng paumanhin ni Ruth, saka ito sumulyap sa akin. “Bago pa lang po kasi si Sydney na housekeeper —” “Ah, no no no,” agap ni sir George. “Hindi naman siya ang nauutusan ko noon. Ibang staff iyon. Mabuti nga at nandito siya para ipakita sa akin kung ano ang gusto ko,” dagdag pa nito at wala akong ibang magawa kung ‘di ang mapatulala na lamang. Ito siguro ang naisip niyang paraan upang makaalis kami rito. Ang gumawa ng sariling kwento. Gusto ko mang matawa ay hindi ko iyon magawa. Tanging sa isip ko na lamang ako lihim na tumatawa. “G-ganoon po ba, sir,” marahan na saad ni Ruth. “Pasensya na po ulit, sir.” “It’s okay,” nakangiting tugon ni sir George sa kanila saka ito bumalin sa akin. “Dalhan mo ako ngayon nito sa room ko,” saad niya sa akin. “O-okay po, sir,” marahang tugon ko saka siya tumalikod sa akin at naglakad na palayo. “Grabe, Sydney! Ang swerte mo naman. Bago ka pa lang dito pero personal mo ng nakakausap si sir George!” bungisngis na sabi sa akin ng isa kong kasamahan na babae. Si Juliet. “Huh?” “Sige na, Sydney. Gawin mo na agad ang iniuutos ni sir George. Tandaan mong huwag kang magkakamali na gumawa ng gulo,” masungit na balin naman sa akin ni Ruth saka ako nito tinalikuran. “Hay naku! Napakainggetera talaga ng babaeng iyan,” mahina ngunit mariin na sabi naman ni Juliet mula sa tabi ko. “Baka pagod lang, hayaan na natin siya,” nakangiting balin ko kay Juliet saka ko mabilis na kinuha ang bedsheet cotton na hawak kanina ni sir George. “Aalis na ako,” paalam ko pa kay Juliet saka ako ngumiti rito. “Okay, fighting!” senyas pa sa akin nito bago ako tuluyang makaalis. Pagkalabas ko ng housekeeping store ay mabilis akong nagpalinga-linga sa paligid ko. Teka, hindi ko nga pala alam kung anong floor at room number ni sir George. Humakbang ako at nagsimulang maglakad na nang biglang may mahinang boses ang tumawag sa akin. “Miss Sydney!” Nakita ko si sir George sa tabi at nakangiting nakaway sa akin. Bahagya naman akong napangiti sa kanya saka ko siya nilapitan. “Sir, hindi ko po alam na may talento po pala kayo sa pag-acting,” natatawang saad ko sa kanya. Pagak naman siyang tumawa. “Pasensya ka na kanina kung nabigla kita sa mga pinagsasasabi ko.” “Ayos lang po iyon, sir. Ang witty niyo nga po e,” nakatawang tugon ko. “Talaga?” “Opo.” “Ang mabuti pa ay palitan mo na talaga ang bedsheet ko,” nakatawang sabi ni sir George habang nakatingin sa bedsheet cotton na hawak ko. “Okay po,” nakangiting tugon ko naman sa kanya at nagsimula na siyang maglakad patungo sa elevator. Masayang sinundan ko naman siya. Hindi ko alam kung bakit napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya. Bukod sa ilang beses na niya akong iniligtas at tinulungan ay napakabait pa niyang kausap. Tuloy ay unti-unti akong nagiging komportable sa kanya. Sumakay kami sa loob ng elevator papunta sa 18th floor ng Blue Prime Hotel. Kung saan naroroon ang mga VIP Rooms ng hotel. Nang makarating kami sa 18th floor ay naglakad si sir George at patuloy lamang ako sa pagsunod sa kanya, hanggag sa makarating kami sa tapat ng 1805 room number. May pinindot na pin sa door lock si sir George saka tumunog at tuluyang bumukas ang pinto nito. Nakangiti siyang bumalin sa akin. “Get in, hihintayin na lang kita dito.” “Po?” “Alam kong takot ka pa dahil sa nangyari sa iyo kanina. Palitan mo lang ‘yong bedsheet tapos pwede ka nang lumabas. Hihintayin kita rito,” saad niya sabay ngiti sa akin. At tila ba nakaramdam ng paghaplos ang puso ko dahil doon. Sa totoo lang, halos nalimutan ko na nga ang sinapit ko kanina dahil sa kanya. Dahil sa magaan at masayang presensya niya. Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang pagiging gentleman niya. May ganito pa pala ng klase ng lalaki. Hindi ako makapaniwala. “Are you okay?” marahan na tanong sa akin ni sir George nang mapansin niya ang pananatili lamang ng mga tingin ko sa kanya. “Is there is something wrong?” “W-ala naman po,” maraha na tugon ko. “Kung hindi ka komportable, ako na lang ang magpapalit. Hinatayin mo na lang ako rito,” nakangiting saad niya sabay kuha sa akin ng bedsheet cotton. “Naku, sir! Ako na po, trabaho ko po ito.” Muli kong kinuha sa kanya ang bedsheet cotton hanggang sa hindi sinasadyang magdikit ang mga kamay namin. Kapwa kaming napagitla dahil doon at marahan na napatingin sa isa’t isa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD