Chapter 68: The Announcement

2205 Words

Sydney Ortiz Hindi inaalis ni Ethan ang mga titig niya sa akin habang patuloy ito sa paglalakad papalapit sa amin ni Joel. Seryoso lamang ang kanyang mukha at hindi ko makita o mabasa mula sa kanya ang tunay nitong nararamdaman nang mga sandaling iyon. “Sir Ethan, magandang gabi po,” magalang na pagbati ni Joel kay Ethan kahit na bahagya itong nagulat na makita si Ethan ngayon dito. Nanatiling walang kibo o imik si Ethan at sa halip ay hindi pa rin ako nilulubayan ng mga tingin nito. Dahil doon, unti-unti namang nabuhay ang kakaibang pagkabog ng puso ko sa loob ko. Nagpatikhim si Joel saka muling nagsalita. “Uhm… mauna na po ako,” magalang na paalam nito kay Ethan saka ito bumalin sa akin. “Alis na ako,” he mouthed. Marahan akong tumango sa kanya saka ito tuluyang umalis sakay ng kanyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD