sino kayo?takot akong napakapit kay Elliot,hinawakan naman ako nito sa kamay nang mahigpit,
seniorita pinapasundo na kayo ni madam,"mula sa likod rinig nyang turan ng driver nila.
anong ibig sabihin nito manong?sino ang
mga taong yan? kinakabahang tanong nya.
sumama napo kayo,"hinihintay na kayo nang mommy nyo,"wika nitong hindi pinansin Ang tanong nya.
manong sasama po ako pero Wag nyong saktan ang kasama ko,"ani nya
umalis na kayo,"ako na ang bahala Kay seniorita,ani ni mang danilo sa mga kasama nito,matagal narin itong naninilbihan sa kanila kahit papano naniniwala sya dito.alam nya hindi nito sasaktan si Elliot dahil sa pakiusap nya,
PAGKARATING sa bahay ay atubili syang pumasok,nakita nya nakaupo ang kanyang mommy sa sopa.
mabuti at dumating kana?bungad ni mommy na galit na tumingin sa akin.
ibang iba ang galit nito ngayon.kung nakakamatay lang ang tingin nito baka kanina pa ako bumulagta,minsan iniisip ko kasalanan ko ba Kung bakit namatay ang daddy noon,dahil mula nang namatay ito ay kasamang namatay ang pagmamahal ni mommy sa akin,
saan ka galing ha? tanong nito na sinusuri ako nang tingin,alam Kung hindi ito maniniwala kahit ano Pang sasabihin ko,
nakayukong ulo lumapit ako para halikan sana ito sa pisngi bilang paggalang,pero galit akong tinulak ni mommy,
"walang hiya ka,anong silbe nang paaral ko sayo Kung maglalandi kalang,sa akala mo diko malalaman,"ani nito nakaduro sa akin matapos akong bigyan nang malakas na sampal. nakasalampak na ako sa sementong sahig dahil sa lakas nang pagtulak nito,pero hindi ako iiyak.pagod na akong laging umiyak sa harap nito.mula nang mamatay Ang daddy lagi na akong nakakatikim ng kalupitan ni mommy,
kapag andito naman Ang lolo dad ,nagkukunwari si mommy na mahal na mahal nya ako,pero kahit saglit lang masaya ako,dahil pag ganoon naramdaman Kung importante ako kahit pagkukunwari lang nito,
"mula ngayon layuan muna ang lalaking yun"dahil kapag nalaman Kung nakipag usap kapa o nakikipagkita,makakatikim ka akin,at pati ang lalaking yun, Alam mo Kung anong kaya Kung gawain,"galit na duro nito sabay tumalikod,naiwan akong nakatingin sa likuran nito,
"hija tumayo kana"ani ni yaya Dulce sabay hila sa akin patayo."pag pasinsyahan muna ang mommy mo ha"dagdag nito
"yaya bakit ganoon sya parang hindi nya ako anak"umiiyak Kung turan na mahigpit akong yumakap dito,
tssss"..Tama na hija,sundin mo nalang ang gusto nya para hindi kana masaktan,"ani nito na masuyo pinunasan ang luha sa pisngi ko.ito na lagi Kung kasama mula pa nang maliit PA ako hanggang ngayon.mas ito pa Ang naging ina ko sa loob ng 14 na taon,
HINDI ako makatulog sa banta ni mommy,kailangan Kung layuan at iwasan si Elliot dahil kilala ko si mom.kaya nyang saktan ito,hindi ko alam Kung maiintidihan nya ako,pero wala naman akong ibang paraan o magagawa para labanan at suwayin ang mommy ko,
pagkarating nang school agad akong pumasok at tahimik na naupo sa classroom, habang maingay Ang mga kaklase ko ay tahimik lang akong nakamasid sa kanila,ang saya nila.naiinggit ako sa masaya nilang kwentuhan tungkol sa mommy at daddy nila,
"Chloe dyan kana pala,"bati ni lynlyn
nilingon ko lang ito at tipid na tumango,tulad nang iba masaya din ito dahil mahal na mahal ito ng mmommy nito at kahit single mom lang ang mommy ni Lynlyn ay busog ito sa pagmamahal ng ina hindi tulad ko,
hoy"chloe kanina pa nag aantay sayo si Elliot sa bungad ng gate,dahil Ang akala nya hindi kapa dumating,"ani nito na kinalabit ako.dahil sa lalim ng iniisip ko diko namalayan napapatulala na pala ako,
"hayaan mo nalang sya"sagot ko na kunwari May kinukuha sa bag ko,ayaw Kung makita o malaman ni lynlyn ang lungkot sa mga mata ko,ayaw kong mag uusisa ito,
naging busy narin kami sa klase dahil binigyan kami ng short quiz ng teacher namin kahit papano kinalimutan ko muna ang mga iisipin ko,hanggang sa recess at tanghalian hindi ako lumabas,
PAPALABAS na ako nang Gate ng school dahil uwian na nang lapitan ako ni Elliot,
"chloe saglit lang,"tawag nito nang binilisan ko ang paglalakad palabas,
hinawakan ako nito na braso para pigilan,takot akong lumingon lingon sa paligid at baka May makakita sa amin at mag sumbong kay mommy,
bitiwan mo na nga ako,"sigaw ko dito sabay tulak nito at nang maalis ang kamay nito sa braso ko.para Kung May makakita Man ay sabihin kay mommy na galit ako kay Elliot,
"ano bang nangyayari sayo "?OK naman tayo kahapon ah""ani nito na nakakunot ang noo.tila naguguluhan ito sa kinikilos ko,
I'm sorry Elliot kailangan kong gawin ito dahil kapag nakipag usap pa ako sayo baka mapahamak ka lang,ani nya sa isip
"pwede ba tigilan muna ako,hindi naman kita gusto eh"nakipag pustahan lang ako kaya ako nakipag lapit sayo"aniya dito at kahit sya nasasaktan sa sinabe nya ay kailangan nya itong papalayuin sa Kanya, ito Lang ang paraan para hindi na ito lalapit pa,
"anong sabe mo"?parang maiiyak na tanong nito.
"ang sabe ko layuan muna ako at naiirita na ako sa pag mumukha mo,"aniya sabay takbo nang makita na ang sasakyan na nakahinto sa di kalayuan,
KUYOM ang kamaong sinusundan lang ng tingin ni Elliot ang babaing minahal ng batang puso nya,ang sakit malaman na pinag pustahan lang pala sya,
hey enot"nasaan na Ang apple of the eye mo?natatawang tanong ni marco.
shittt shut up"asik nya dito. galit nya itong tiningnan bago iniwan at baka ito pa pagbalingan nya nang galit kapag hindi pa sya aalis,
KINABUKASAN ay papasok na ako sa school nang makita ko si Elliot sa May Gate na May babaing kausap at Magka hawak kamay pa sila,
masakit makita na meron na agad syang iba.pero May magagawa ba ako.?alam Kung nasaktan ko sya sa sinabe ko kahapon at ako Man ay iniiyakan din ito,buti nalang wala sa bahay kahapon si mommy at hindi rin naka uwi kagabe,kaya malaya akong umiiyak at kahit namamaga ang mga mata ko ay ok lang dahil wala si mommy para mangialam.
babe Kailan tayo manood nang sine?rinig Kung malanding tanong ng babae. sa gilid nila ako dumaan.wala kasing ibang daanan kundi sa tabi nila,
sa weekend baby"malambing na sagot ni Elliot.kuyom ang kamaong pinipigilan ko ang luha ko.diba ito yong gusto ko,?bakit ako iiyak.aniya sa isip.
wala sa sarili akong nakaupo sa upoan ko at kahit nag umpisa na ang klase ay walang pumasok sa utak ko,
ILANG araw at linggo narin lumipas pero nasasaktan parin ako tuwing makikita ko si Elliot at Kristene na mag kasama at magkahawak kamay,
Oo wala akong karapatan na masaktan dahil ito Naman ang gusto ko.ang Layuan nya ako.
Best malapit na pala ang 15 birthday mo,"anong handa mo?tanong ni lynlyn. nasa May canteen kami nag meryenda,
hindi ko alam.hindi naman ako nag cecelebrate
ng birthday ko ehh.kasi hindi na---"hindi natuloy ang sasabihin nya sana,dahil nakita nya ang dalawang taong papasok sa loob ng canteen.si Elliot at Kristene
nagtagpo ang mata namin ni Elliot.pero agad din akong umiwas dahil nababanaag ko parin sa mga mata ang galit nito sa akin.
umupo sila sa tapat nang inuupuan namin,
Best" may problema ba? bigla kana lang kasing nanahimik jan,?pagtataka ni lynlyn
wala"bilisan muna dahil May kukunin pa ako.pagsisinungaling nya,ayaw nya lang makita ang dalawa na talo pa ang chocolate sa tamis...
NAUNANG umuwi si Chloe ng araw na yun dahil masama ang pakiramdam nya para syang lagnatin.dahil narin siguro lagi syang di nakakain ng maayos pag iisip tungkol kay Elliot,
papalabas na si lynlyn sa canteen ng nang masalubong nya Ang grupo nina Elliot at mga barkada nito,
o nasaan na ang best friend mo?bakit ikaw lang ang Mag isang kumain,?magkagalit din ba kayo? sabagay manloloko naman ang babaing yon,turan ni Elliot na tumatawa pa
galit ko itong hinarap, "wagka nga mag salita nang masama sa Best friend ko Kung wala kang alam"
ha'bakit hindi ba pinagpustahan nyo pa nga ako diba?para kunwari sasagutin nya ako,yun pala niloloko lang, turan nito
at "sino naman nang sabe sayong pinagpustahan ka namin eh"wala naman kaming pinag usapan na ganoon at isa pa kaya kalang naman sinagot noon ni Chloe dahil matagal na syang nakamasid sayo sa malayo at matagal na syang May Gusto sayo,"aniya dito dahil naiinis sya sa sinabe nito. pinagsalitaan ng masama ang kaibigan nya.na wala namang alam ang mga ito.
"at Kung hindi nya ako niloko bakit iniiwasan nya ako," at sya mismo ang nag sabe na pinagpustahan nya lang ako," turan nito
dahil yun sa mommy nya,"dahil ayaw ng mommy nya makipag usap sya sa lalaki,at Kung hindi ka nya layuan.mapapahamak ka. "si lynlyn
wala nang nagawa si lynlyn Nasabe nya na ang lahat dito,alam nya magagalit si Chloe. bahala nya,"aniya sa isip
NATUTULOG si Chloe sa kanyang kwarto. pagkarating nya kasi kanina dumiretso na sya sa kwarto at nahiga,
parang May naririnig syang ingay at nagkakagulo sa baba.pero sa sama nang pakiramdam nya ay wala na syang lakas pa para alamin iyon.nakatulog na sya nang tuluyan.
samantalang kanina pa nagpupumilit pumasok ni Elliot,nakipag away na sya sa guard para lang papasukin sya,nalaman nya Ang totoo kay lynlyn at sinabe din nito na may sakit si Chloe kaya sya pumunta sa bahay nito,at gusto nya makausap ang mommy nito.
"sige na manong saglit lang po papasukin nyo na ako kausapin ko lang si Chloe"aniya
"naku hijo umalis kana habang wala pa si seniora dahil mapahamak ka lang dito,"turan ng gwardya
May dumating na sasakyan at huminto ito sa gilid mismo nila ng gwardya,at May lumabas na lalaking malaki ang katawan,
to be continued..