"POST-partum depression?" napakurap si Sari nang marinig niya ang salitang iyon mula sa Doctor. Hindi niya maintindihan. Ngayon lamang niya narinig ang tungkol roon. Hindi rin naman ipinaliwanag sa kanya ni Mikhail. Kaninang umaga ay dumating ito sa bahay nila. Mag-isa lamang ito. Niyaya siya nitong pumunta sa ospital. Patitignan raw siya nito. "Yes, post-partum depression. Tinatawag rin natin itong post-natal depression. Base on the problems you have told me, iyon ang obserbasyon ko sa 'yo." Pagsagot ng Doctor sa tanong niya. Tinanong siya nito kanina kung ano ang nararamdaman niya sa panganganak niya. Pinayuhan siya ni Mikhail na sabihin ang lahat sa Doctor. "This kind of depression is suffered by mother following childbirth." "Ano? Paano?" "It typically arises from the combination of

