CHAPTER 10

1805 Words
Chapter 10: Discount TILA bumagal ang pagpitik ng oras at huminto sa pag-ikot ang mundo habang matiim na nakipagtitigan si Trixie sa binata, kay Wade na ngayon ay matamis ang pagkakangiti nito sa kanya. Hindi niya akalain na kaya siya nitong ngitian ng ganitong katamis at malayo sa estranghero na nakilala niya kagabi, na punong-puno ng lungkot ang mga mata nito. Ngayon ay sobrang maaliwalas ang bukas ng mukha at parang hindi na ito malungkot pa. Ganoon pa man, nagsimula nang bumilis ang t***k ng puso niya. Ganito talaga ito kapag kaharap na niya ang binata na pangalan at edad lang ang alam niya. Nabigla pa siya nang makita niya ulit ito at dito pa sa Esquivias Car Rental. Wait, Esquivias? Hindi ba iyon ang surname ni Wade Hansley? Naputol ang titigan nila ni Wade nang may tumikhim at napatingin siya sa isang lalaki na katabi lang nito. Ito ang napagtanungan niya tungkol sa kotseng balak niyang bilhin ngayon. Nag-init pa ang magkabilang pisngi niya dahil natitiyak siya na sinadya ng lalaking ito na putulin ang pakikipagtitigan niya rito. Baka kasi napansin nito na may kakaiba sa kanila ni Wade. Kakaiba rin ang titig nito sa kanila, na parang naaaliw din sa kanila. Baka kung ano pa ang sabihin nito sa kanila ni Wade. “Esquivias? Ikaw ba ang owner ng car rental na ito, Mr. Wade?” pormal na tanong niya. “Yes. May bibilhin ka, ’di ba? Napili mo na ang Ferrari na iyan?” tanong nito sabay turo sa kotseng nagustuhan niya. A white Ferrari. “Oo. Ang alam ko ay limited edition ito at bihira lang talaga na nagkakaroon ng ganyan ang ibang car rental dito sa atin. Actually last year ko pa talagang binalak na bilhin ito pero sa ibang bansa lang puwedeng bilhin, eh. Pero nagulat ako na makikita ko pala rito at dito ko lang mahahanap ang dream car ko,” masayang saad niya. “Pero Miss, display lang iyan at isa iyan sa mga collection ng kaibigan ko,” sabat ng lalaki at umawang ang bibig ko. “Oh? Sorry, I thought kasi...” Parang nagkulay kamatis na ang pisngi niya dahil sa kahihiyan. Hindi niya naisip ang bagay na iyon. Alam naman kasi niya bihira lang ang mga ganitong sasakyan. “No. Next month din naman ipadadala ang iba at ire-release namin iyan. Puwede mong bilhin iyan ngayon and I’ll give you a discount,” sabi ng binata sa kanya. Halos malaglag naman ang panga niya sa gulat. Maski nga ang kaibigan nito marahil ay nagulat din. “Discount? Ang sabi mo sa akin kanina ay bawal---” “Tumigil ka, Railey.” Napakamot sa kilay niya si Trixie dahil hindi nakatakas sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng dalawang lalaking kaharap niya ngayon. “Uhm, I can wait naman next month,” sabi niya. “Actually, display nga siya. A commercial para sa ire-release namin next month. Parang freebies lang iyan, dahil bigay sa amin ng company sa ibang bansa. Sinadyang ibigay sa amin ng libre dahil isa kami sa mabilis na mag-market ng mga sasakyan nila,” paliwanag pa sa kanya ni Wade. Napatango siya at natutuwa siya na successful din pala ito na may magandang trabaho at negosyo. Pasok na sa standard ng parents niya. ‘Eckk, feeling mo naman Trixie ay magiging kayo? Kung makapagsabi ka naman na pasok na sa standard ng parents mo? Really, self?’ “But okay ka lang sa ’yo? Parang ang special ko naman,” nahihiyang saad niya. Marahan na umiling si Wade sa kanya. “I feel guilty though. Kasi libre nga iyan para sa amin pero kailangan mo pang magbayad para lang talaga makuha mo ang Ferrari. Kaya bibigyan na lamang kita ng discount,” sabi nito at humanga siya sa pagiging mabait nito. Talagang genuine and pure heart ang mayroon ang lalaking ito. ‘Suwerte talaga ng babaeng nagmamay-ari sa kanya,’ nasabi na naman niya sa kanyang sariling. Kasi iyon naman talaga ang mangyayari. Masuwerte dahil tiyak na hindi ito masasaktan sa piling ng lalaki. Unless na ito mismo ang masaktan. Gusto tuloy ni Trixie na tanungin si Wade kung ano ba talaga ang totoong dahilan nito kung bakit may dalang maleta na parang maglalayas. Nahihiya lang siya dahil baka isipin nito na pakialamera siya. ‘Bawas point ang beauty ko if ever. Baka sa halip na magustuhan ako ay baka ma-turn off pa siya sa akin,’ muling sabi niya. Pero teka lang naman, hindi porket may sinasabi siya ng kung ano-ano ay malandi na siya, ha? Ganoon lang talaga siya dahil ito ang unang beses na nagkaroon siya ng interest sa buhay ng isang lalaki at ngayon niya lang din naramdaman ang pagkamangha rito. Sa lalaking successful na at halatang mayaman. Dahil isang kotse pa lang ay alam na rin niya na milyon na ang halaga nito. ‘Ayos lang. Hindi naman ako mahihiya sa kanya dahil same naman kaming kumikita ng milyon, chos lang naman,’ sabi na naman ng inner self ni Trixie. “So, kilala ninyo ang isa’t isa?” singit ng kaibigan nito. At iyon naman ang binigyan niya ng pansin. Matangkad at malaki rin naman ang pangangatawan. Guwapo rin ito at malakas naman ang dating pero... Lumipat ang tingin niya kay Wade. Para sa kanya ay ito talaga ang pinakaguwapo dahil malakas din ang sèx appeal nito. Oo, may favoritism siya. Eh, sa ito mismo ang una niyang nakilala. “I’m Trixie Vargas Garcia, actually Wade and I are not friends. We’re just met last night because you know,” sabi niya at natawa si Wade nang gumalaw ang ulo niya. Kasi wala na siyang maisip pa na idudugtong. Natawa rin siya. “I’m Railey Valeroso, Wade and I are best friends. Nice meeting you, Ms. Trixie,” pakilala naman nito at naglahad ng kamay. Sa kaliwang kamay naman nito ay nakita niya ang singsing at base pa lang sa hitsura nito ay malalaman mo na isang wedding ring ito. “You’re married?” she asked him and he nodded. “Nice to meet you too, Mr. Railey.” “You know what, Ms. Trixie? I was about---” hindi nito natapos ang sasabihin dahil sa pagsiko ni Wade. “Are you sure na bibilhan mo iyan?” “Hmm, you change your mind na?” biro niya. “No. Baka kasi may mas magustuhan ka pa na iba?” “Hindi mo na ba babawiin ang discount? I’m with my youngest sister. Actually siya talaga ang bibilhan ko ng kotse pero nakita ko ito kaya nasabi ko, baka nga makabibili pa ako ng bagong sasakyan,” sabi niya. “Ate, may napili na po ako! Bilhin na po natin!” Speaking of her sister ay sumulpot na nga ito. “She’s my sister, Lixia Vargas Garcia. Xollege student pa lamang siya,” pakilala naman niya sa kapatid niya. “Sino po sila, Ate?” nalilitong tanong ni Lixia sa kanya. “Of course the owner. Say hi to them,” she uttered. “Parang bata naman po ako, Ate, eh. Hi, bibilhin na po namin ang Toyota GR86. Ayos lang po kung walang discount! Kering-keri na pong bilhin iyan ng Ate ko!” Siya naman ang sumiko sa kanyang kapatid. “Ano ka ba naman? Dapat humingi ka rin ng discount kasi bibili rin ako,” aniya. “Really po? Anong kotse---oh my, gee! Ferrari 488 GTB!” “Hep! Taken na iyan!” agap niya kay Lixia. Naaaliw na pinanood tuloy siya ng dalawang lalaki. “Wala naman po akong sinabi, Ate. Psh,” sabi nito. “Anyway, puwede na ba nating pag-usapan, Mr. Wade?” tanong niya kay Wade. “No need to be formal, Trixie. Just call me Wade,” sabi nito. ‘Ayayay, ang bait talaga nito.’ Napaigtad naman si Wade nang malakas na tinapik ni Railey ang balikat niya. Naglalakad na sa unahan nila ang magkapatid at patungo na sila sa opisina nila. Sina Trixie at Lixia, walang duda na magkapatid nga ang mga ito dahil malaki rin ang similarities nila at parehong maganda. Pero para kay Wade ay mas maganda ang nakatatandang kapatid ni Lixia. “Siya na ba ’yon?” bulong sa kanya ni Railey na tinanguan niya naman. “Maganda, ’di ba?” mahinang tanong niya. Gusto niya lang marinig ang opinyon nito. “Parang si Molly lang. Maganda at parang modelo. Naitanong mo ba sa kanya kung ano ang trabaho niya? But on second thought, huwag na dahil malaman mo naman. Afford niyang bilhin ang Ferrari na ayaw mo namang ibenta dahil collection mo na iyon pero ibinigay mo lang kay Trixie. Kakaiba ka talaga, bro,” mahabang saad nito. “Bibigyan kita ng malaking discount, next month ka na bumili,” sabi niya rito. Ayaw niya lang talagang ma-disappoint sa kanya ang dalaga. Dahil parang kotse lang naman ay hindi pa niya kayang ibigay? Eh, bibilhin lang naman nito. “Hay, nauto na naman ako,” mahinang saad nito. “But what do you think about her, Railey?” curious niyang tanong. “Katulad nang sinabi ko sa iyo kanina ay maganda. Pero parang mas nakatatakot, Wade. Parang iyan na ang magiging dahilan ng pagkabigo mo. Pero base pa lamang sa nakikita kong pakikitungo niya ay alam kong... mabuting tao siya.” “Talaga?” Mabilis siyang nagtungo sa pintuan ng opisina nila nang marating na nila ito. Siya mismo ang nagbukas. “Pasok kayo,” pag-aaya niya sa mga ito. “Thank you,” nakangiting pagpapasalamat sa kanya ni Trixie. “How much po ulit ang Toyota?” tanong ni Lixia. “$43,240,” si Railey ang sumagot at umupo sa sofa. “1,585,408.94 pesos,” sambit nito habang nakatutok sa screen ng cellphone nito. Tiningnan naman ni Wade si Trixie nang may hinalungkat ito sa handbag nito. “Tumatanggap naman siguro kayo ng credit cards, right Wade?” Lumubo ang pisngi niya sa narinig na sinambit nito ang pangalan niya. Mahinang umubo ang matalik niyang kaibigan dahil napansin nito ang gesture niya. “Yes, of course,” mabilis na sagot niya. “How about po iyong bibilhin ng ate ko?” “$526,888. Limited edition,” siya na ang sumagot dito. “Hala, Ate. 19,324,121.53!” “May discount naman,” mabilis na saad niya dahil baka magbago ang isip ng babae dahil sa mahal na presyo nito. “That’s okay, sa ’yo ko iyan ibibigay. Okay na ako sa pinili ko,” sabi nito. “Talaga po, Ate Trixie?!” gulat na tanong nito at napayakap pa sa nakatatanda nitong kapatid. “God, Lixia. Lower down your voice. Baka bawiin ko ang sinabi ko kanina. Sige ka,” pananakot nito sa kapatid. “You can’t do that, Ate! Marami tayong witness, oh!” she reasoned out at itinuro pa sila nito. “Dalawa lang sila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD