TWENTY-SIX BAHAGYA pang nasilaw si Dana sa liwanag na sumalubong sa kanila nang buksan ang malaking pintuan. Tumambad sa kanila ang isang napakahabang mesa at sa sentro no'n ay nakaupo ang isang lalaki na nasa katanghalian ang edad. Bukod pa roon ay ang mga tao na nakaupo sa hilera ng mga silya sa harap ng hapagkainan. Tiningnan niya ang binata na seryoso ang mukha na nakatingin sa loob ng bulwagan. Gaya niya hindi rin siguro nito inaasahan na hindi lang sila ang magiging laman ng lugar na 'yon taliwas sa sinasabi nito kanina. Lahat ay nakatuon sa kanila ang atensyon na para bang espesyal silang bisita. Sumunod lang siya nang igiya siya nito papasok at naglakad sila papunta sa dulo. Ramdam niya ang mga mapanuring titig ng mga taong nando'n. Pakiramdam tuloy niya ay de numero ang kilos

