SIXTEEN NAPATIGIL SI Railey sa tangkang pagpasok ng silid niya nang matanawan ang kapatid sa balcony na katabi lang ng silid nito. Ini-strum nito ang gitarang hawak pero wala namang maayos na tunog na lumalabas do'n. Bukod do'n ay hindi rin ito nakatingin sa gitara kun'di sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip nito. Ang bilis ng panahon hindi niya namalayan na dalaga na ito. Nang umalis kasi siya ng Pinas ay nasa ikatlong taon pa lang ito sa highschool at hindi pa ito gano'n manamit. Marami na nga yata siyang na-missed na pangyayari sa buhay nito. "Ginagamit mo pa pala 'yan?" Tanong niya nang makalapit dito. Umupo siya sa tabi nito. Nakasalampak ito sa sahig. "Kuya," sabi nito na parang nagulat sa presensya niya. "Bakit ginagamit mo pa rin 'yan? I'm sure kaya mo nang bumili niyan. M

