FOURTY-NINE "ANO NA'NG plano mo ngayon?" Tanong ni Dana habang pinapanood si Rasha na inaayos ang mga damit nito. Isa-isa nitong inilalagay ang mga damit sa luggage habang nakaupo sa kama. Ilang araw na rin mula nang lumabas ito ng ospital at napansin niyang naging matamlay ito. Para itong bumalik sa dati na parang walang buhay. Saka lang ito magsasalita kapag tinatanong at madalas itong nakakulong sa loob ng silid nito. Ngayon nga ay hindi na siya nakatiis kaya pinuntahan na niya ito dahil kahit ang mga kapatid nito ay hindi na alam ang gagawin. "Kausapin mo naman kami, Rash. Hindi pwedeng araw-araw kang nagkukulong dito sa kuwarto mo. Hindi mo tuloy nakikita na maganda na ang itinatakbo ng resort." Patuloy na pagsasalita niya. "I'm planning to sell this resort," walang kagatol-gatol
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


