Avoiding Each Other

1014 Words

THIRTY-SEVEN HINDI ALAM ni Rasha kung gaano katagal na siyang nakatitig sa kisame ng kwarto niya. Basta ang alam niya ayaw niyang makipag-usap kahit kanino. Gusto niyang mapag-isa at magmuni-muni. Mataas na ang araw sa labas at kitang-kita 'yon sa siwang ng nakasarang kurtina. Pero wala siyang balak na bumangon at maging productive. Iniisip niya pa rin ang nangyari kahapon. Gusto niyang kumbinsihin ang sarili na kabaligtaran ang naging reaksyon ni Railey na guni-guni niya lang ang unti-unti nitong pagbitaw sa kanya. Pero kahit anong kumbinsi niya nagfa-flashback pa rin sa isip niya ang ginawa nito. Parang slow motion ang pagbitaw nito. Sana mangibabaw sa binata ang pagmamahal nito para sa kanya. Sana makita siya nito sa kung sino siya at hindi sa kung ano ang nakaraan niya. Sana...puro

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD