Hindi niya maiwasan ang isipin ang kanyang Ama. Marahil ay nag-aalala din ito sa kanyang ginawang pag-alis. Hindi siya nito matatawagan dahil maging ang kanyang cellphone ay iniwan niya sa kanyang silid sa mansyon. Ang cellphone na kasalukuyan niyang ginagamit ay ang cellphone na binili lang niya bago siya pumunta ng Baguio. Tinawagan niya ang kanyang secretary, upang ibilin dito ang kanyang boutique shop. At nagpaalam na isang buwan siyang mawawala. Matapos ang kanilang pag-uusap nakaramdam na naman siya ng kung anong kahungkagan sa kanyang kalooban.
"Hayyyst, mommy. Kung hindi mo po ako maagang iniwan siguro hindi ko mararanasan ang lahat ng ito." Aniya sa kanyang sarili.
Masaya silang mag-ama noon. Nung hindi pa dumarating sa buhay nito ang kanyang tita Cassandra. Hindi niya napigilan ang lumuha ng maalala ang mga nakaraang pangyayari sa kanyang buhay.
Isang Linggo ang matuling lumipas. Marami na siyang napuntahan at napasyalan na mga lugar sa Baguio. At ngayong araw maaga siyang gumising upang umakyat sa isang bundok na dinarayo din ng mga turista.
May na kilala siyang isang grupo ng turista at doon niya balak sumama mamaya. Nag grocery na siya kahapon ng lahat ng kakailanganin niya. Matapos maligo ay uminom lang siya ng gatas at kumain ng sandwich. Saka lumabas sa kanyang apartment. Sa paanan ng bundok nila napag pasyahan na magkita-kita.
Dahil malapit lang sa kanyang apartment ang meeting place nila. Makalipas lang ang ilang minuto ay nakarating na siya roon.
"Nandito na si Con." Narinig niyang wika ni Anne. Isa sa kanyang mga bagong kakilala. "Con" ang tawag nito sa kanya. Short for Maricon.
"Hi, Anne." Bati niya sa babae. Saka bumeso dito.
"Hello! Ikaw na lang hinihintay namin. Nauna na ang iba sa atin." Wika nito sa kanya.
"Ibig bang sabihin late na ako. Nakakahiya naman." Nahihiya na wika niya. Inagahan pa naman niya ang gising para hindi maghintay ang mga kasama niya.
"Oyy, hindi. Maaga ka naman. Kaso excited lang talaga kami. Kaya kanina pa kami nandito." Natatawang saad nito.
"So, ano na guys. Let's go?" Ani naman ni Dennis ng lumapit sa kanila. Matapos itapon ang hinihitit nitong sigarilyo.
Nagsimula na silang maglakad paakyat ng bundok. Sa tuktok daw nito ay patag na ang lugar kung saan makikita ang malawak na kabayanan at bahayan ng mga tagarito. At doon sila magtatayo ng tent. Na gagawin nilang pahingahan.
"Nakakapagod." Narinig niyang daing ni Anne.
"Konti pa lang nalalakad natin. Pagod kana agad." Pang-aalaska naman ni Dennis.
"Eh, sa napapagod na ako ei." Ani ni Anne.
"Halika na, mamaya mawawala yang pagod mo kapag nakita mo na ang ultimate crush mo. Kagabi pa raw sila naririto." Ani ni Dennis.
"Ah, nga pala Con, may iba pa tayong makakasama ngayon."
Ani ni Anne.
"Sige, okay lang sakin. Sabit lang din naman ako sa lakad niyo." Natatawang aniya sa mga ito.
"Ano ba yan. Friends na kaya kita." Nakanguso na wika ng dalaga.
Dahilan para tumawa lang sila ni Dennis, sa naging hitsura nito.
Tanghaling tapat ng marating nila ang tuktok ng bundok.
Marami na ang nakatayong tent. At lahat ng tao ay abala, babae man o lalaki. Ang iba ay nag-iihaw ng karne at isda. Habang nagluluto naman ang ilang kalalakihan gamit ang kahoy.
"Hi guys!" Malakas na bati ni Anne. Kaya otomatikong natuon sa kanila ang atensyon ng mga tao doon. Agad naman siyang nakaramdam ng hiya ng mapansin niya na madami pala silang kasama. Nilibot niya ang kanyang paningin. Hanggang sa mag-landing ang kanyang mga mata sa isang lalaking may malapad na pangangatawan at lalaking lalaki ang dating. Nakahubad ito kaya malaya niyang napagmasdan ang malalaki nitong pandesal. Nang magtaas siya ng tingin upang suriin naman ang mukha nito. Agad siyang napayuko dahil sa nakakapaso nitong mga titig sa kanya. Pakiramdam niya ay namula ng husto ang kanyang mga pisngi ng makita niya ang pagtaas ng kabilang sulok ng mga labi nito.
"Halika na kayo, Anne. Tamang tama maluluto na ang mga pagkain." Paanyaya sa kanila ni Raymond.
"Halika na, Con." Tawag pansin nito sa kanya.
Matapos kumain ng lunch. Tumulong na siya sa pagliligpit sa mga ito. Bale walo sila. Tatlo silang babae at Lima ang lalaki.
Matapos hugasan sa isang batis ang mga kagamitan na kanilang ginamit, na sa tanang buhay niya ay ngayon lang niya nagawa. Napagpasyahan na nilang mga babae ang maligo. At dahil hindi sila handa. No choice na sila kundi basain ang mga suot nilang damit. Masaya silang tatlo habang nagtatampisaw at naghaharutan sa tubig. Siya, si Anne at Si Fiona. Makalipas ang ilang saglit. Umahon na sila. Bitbit ang mga kasangkapan na hinugasan ay tinahak na nila ang daan pabalik sa kanilang mga tent.
Naabutan nilang nagkakasiyahan ang mga kasama nilang lalaki. Habang umiinom ng alak. Nahihiya man, dahil kailangan nilang daanan ang umpukan ng mga ito. Pinakapal na lang niya ang kanyang mukha. Lalo at alam niyang bakat na bakat ang hubog ng kanyang katawan sa kanyang basang kasuotan. Lalo pa siyang namula ng mapansin niya ang matiim na mga titig sa kanya ni Ged. Ang lalaking nag pabilis ng t***k ng kanyang puso sa unang pagtatagpo ng kanilang mga mata. Pakanta kanya siya habang inaayos ang mga gamit sa isang mesa na gawa lang sa kahoy. Siya na lang ang naiwan upang mag-ayos ng mga gamit na kanilang hinugasan. Dahil pumasok na ang dalawa sa tent ng mga ito upang magbihis dahil nilalamig na. Kaya siya na lang ang nag presinglta na maiwan sa labas. Matapos niyang isalansan ang mga pinggan, kutsara at baso ay pumihit na siya upang magtungo sa sarili niyang tent ng bumangga siya sa matigas na bagay. Nang tumingala siya ay ang malalamig na mga mata ni Ged ang nakita niyang nakatunghay sa kanya.
"A-ah, excuse me." Nauutal niyang wika.
"Sasabihin ko na sayo, na maganda ang katawan mo. Maganda ka, at sexy. Para hindi mo na kailangan pang ibilad yang katawan mo sa harap naming mga lalaki." May gigil na wika nito. Agad nag init ang kanyang pisngi dahil sa tinuran nito.
"Ano bang problema mo?" Naiinis na tanong niya ng makabawi sa pagkapahiya dito. Lumalabas na inihahain niya ang kanyang katawan sa mga ito.