At bandang hapon ay naki join na rin sila Fiona at Anne, kaya na lasing ang mga ito dahilan para hindi matupad ang plano nilang mag bonfire. Lumabas siya sa kanyang tent. At nagtungo sa palikuran na ginawa ng mga kasama niyang lalaki. May tubig na rin doon na ginamit niya para sa kanyang morning routine. Matapos palitan ang pantulog na suot niya, lumabas na siya upang mag agahan.
Hindi pa man siya nakakalapit sa mga kasamahan nila.
"Good morning!" Bati sa kanya ng baritono na boses mula sa kanyang likuran.
"Morning! Kanina ka pa?" Aniya kay Ged.
"Oo, Halika, Kumain kana. Tanghali na." Wika nito. Saka kinuha ang kanyang palad. Magka Holding hands sila na pumunta sa hapag kainan na ang mga ito lang din ang gumawa.
Nakaramdam naman agad siya ng gutom ng makita at maamoy ang mga nakahaing pagkain.
May sinangag na kanin, fried bacon, at ham sa mesa. May saging at mangga rin.
"Saan galing ang bacon at ham?" Hindi maiwasang tanong niya sa binata. Nasa bundok sila, bakit may ganoong pagkain.
"Dala namin yan kahapon. Nakalagay doon." Sagot nito. Sabay turo sa isang medyo may kalakihan na box ng styro.
Hindi na siya umimik. Sa halip tumango-tango na lang siya.
Inasikaso siya ng binata sa kanyang pagkain. Ito na rin ang naglagay ng pagkain sa kanyang pinggan. Pero hindi niya akalain na sasaluhan siya ng binata.
Malakas na tawanan at kwentuhan ang kanyang narinig sa isang bahagi ng bundok. Nang ilibot niya ang kanyang paningin. Saka lamang niya napansin na silang dalawa lang ang magkasama sa lugar na iyon'. Dahil ang iba nilang kasama ay nag katuwaan sa paglalaro ng scrubble. May dalawang babae at isang lalaki pa siyang napansin na kasama ng mga ito. Pamilyar sa kanya ang likod ng isang babae. Hindi niya makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa gawi nila.
Nang matapos silang kumain, inalalayan siya ni Ged tumayo saka iginiya patungo sa kanilang mga kasama.
"Hi guys!" Agaw pansin ni Ged, sa kanilang mga kasama.
"Oh' nandito na pala ang lovebirds." Nakangiting wika naman ni Anne. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang pisngi dahil sa sinabi nito. Naramdaman naman niya ang pagpisil ni Ged sa kanyang palad.
"Maupo kana." Ani ni Ged, saka siya pinaupo sa isang nakausling ugat. Kasalukuyang umiinom at naglalaro ng truth or dare ang grupo.
"Ah, Con. Si Ellise nga pala pinsan ko. At ang friend niya na si Andrea." Pakilala ni Fiona sa dalawang nadagdag sa kanila.
"Ito naman si Marco, Kapatid ni Elise." Dagdag pa nito sabay turo sa lalaking kasalukuyang umiinom ng alak.
Napatda naman siya ng mapag sino ang dalawang babae. Si Andrea, ang kanyang step-sister, at ang best friend nito na si Elise.
'haiist ang liit ng mundo.' aniya sa kanyang isip.
"Hi Maricon! Miss me, my dear?" Malambing na bati sa kanya ni Andrea.
"woah! Wait, magkakilala kayo?" Nagtataka na tanong ni Fiona.
"What a small world."
"Ah, yeah! She is my step-sister." Proud na wika nito.
"Don't worry sis, Hindi ko naman ipapaalam kay daddy na nandito ka lang pala. Besides, hindi ka din naman niya hinahanap. Parang okay nga lang sa kanya. Sabagay nasusulo niya kasi si mommy. " Walang pakundangang dagdag pa nito. Hindi niya napigilan ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. Gusto niyang mainis sa babae. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Sa maraming pagkakataon na ganitong ugali ang pinakita nito. Alam na niya ang gusto nitong mangyari. Gusto nitong magalit siya. At kapag nangyari yon, siya ang lalabas na masama. Pinili niya ang manahimik at hindi lingunin si Ged, na alam niyang naguguluhan sa mga pinagsasabi ni Andrea.
"Let's start na." Putol ni Anne sa nabuong tensyon sa kanila.
"Yeah, sure. Ako naman ang mag e-spill ng bottle. Okay lang ba?" Pacute na tanong ni Elise sa kanilang mga kasama.
"Okay, no problem!" Ani naman ng mga kalalakihan.
Pinaikot na nga nito ang bote. At tumigil ito sa tapat ni Andrea.
"Oh, sis! Truth or dare?" Tumitili na wika nito. Alam niyang sa klase pa lang ng tinginan ng mga ito, ay may plano ng niluluto ang dalawa. Sanay na siya sa mga ito.
"Dare, sis." Masayang wika naman ni Andrea. Lahat ng mga kasama nila ay naaliw sa dalawa. Maliban sa kanilang tatlo nila Fiona at Anne. Alam niyang nakakaramdam ang mga ito.
"Are you sure!?" Kunway naninigurado pa si Ellise kay Andrea.
"Yes of course. What is it?" Tanong nito na animo'y walang kaalam-alam.
"Ahhhmm, kiss a man you like who is here." Kinikilig na wika nito.
Kunway alumpihit pa ng babae, sa paglapit sa kanilang pwesto. Alam na niya ang nais nito. Iyon' ang halikan si Ged. Para magalit siya. Sinusubukan talaga nito ang kanyang pasensya. Ngunit, katulad kanina, pinag sa walang bahala lang niya ang bawat gawin nito.
"I like your lips, sweetheart." Nakangiting wika nito. Habang pasimpleng tumingin sa kanya. Sa halip na ipakita ang kanyang pagkairita. Pinili niya ang ngumiti na lang dito.
Bumalik ang lahat sa pag-inom, maliban kay Ged na tuluyan ng umalis sa kasiyahan. Magda dapit hapon, ng matapos silang uminom. Lasing na sila Andrea, at Elise kung kaya't pinagtulungan na ang mga itong ipasok sa tent nito.
Nagpalipas pa siya ng ilang oras sa gilid ng bundok. Hindi naman siya uminom ng marami kaya hindi siya lasing. Kasama niya kanina Sila Fiona at Anne. Mabuti nalang at hindi nagtanong ang dalawa tungkol sa mga sinabi ni Andrea. Hindi nagtagal ay umalis rin ang mga ito, upang magpahinga.
Tahimik niyang pinagmamasdan ang paglubog ng haring Araw.
Nang may isang bulto ng katawan ang umupo sa kanyang tabi.
"Bakit hindi ka nagsabi sa akin ng totoo?" Tanong sa kanya ni Ged.
"For what? Kaya ako pumunta dito sa Baguio at pinili na sa liblib na lugar tumira ay dahil gusto kong kalimutan na anak ako ng daddy ko." Aniya sa lalaki. Hindi niya naitago ang emosyon na kanyang naramdaman ng mga oras na yon.
"Pero, bakit? Kilala at nirerepestong tao ang iyong ama. Hindi ba karangalan ang maging isang anak niya?" Wika nito.
"Noon, oo. Proud ako, at palagi kong ipinagmamalaki ang aking ama. Pero noon yon, noong hindi pa dumarating sa buhay namin sila tita Cassandra at Andrea. Dahil simula ng dumating sila. Kinalimutan na ako ng aking ama. Madalas pabor sa mag-ina ang kanyang ginagawa. At ang kanyang mga desisyon." Naluluhang saad niya. Sa tagal ng panahon na kinimkim niya sa kanyang dibdib ang sakit na naramdaman. Ngayon lang may dumating sa buhay niya na handang makinig sa kanya at nagpakita ng interest sa kanyang buhay.