CHAPTER ONE

1013 Words
Matapos ang mahabang oras sa pamimili ng damit at sandals na patok sa kanyang panlasa ay agad na niya itong inabot sa tindera na nakaantabay sa kanya. "Ma'am, ito na po ang sukli niyo." Baling sa kanya ng babae. Inabot na rin nito ang mga supot ng kanyang pinamili. "Salamat." Tipid na aniya dito matapos kunin ang supot at sukli sa kanyang pera. Habang naglalakad ay naghahanap din siya ng karenderya na pwede niyang kainan. Kanina pa kumakalam ang kanyang sikmura dahil sa gutom. Naalala niya na kaninang umaga pa ang huli niyang kain sa terminal, bago siya sumakay ng bus, patungong Baguio. Kailangan din niyang humanap ng pansamantalang matutuluyan, habang nasa bakasyon siya na hindi niya alam kung aabut ng ilang araw, Linggo o buwan. Basta ang gusto niya ay mamuhay ng tahimik, yung walang sama ng loob na araw-araw niyang nararamadaman. Humugot siya ng malalim na hininga ng maalala ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. Nagmula siya sa mayamang pamilya. Subalit, bata pa lang siya ay pumanaw na ang kanyang ina. Kung kaya't naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang ama. Mabait ito at sinusunod ang lahat ng kanyang hilingin. Subalit, nagbago ito simula ng mag-asawa itong muli. Hindi naman niya masisisi ang kanyang ama, kung humanap ito ng kapalit ng kanyang ina. Bata pa ito. At marahil ay naghahanap ng kalinga ng asawa. Maagang naulila sa asawa ang kanyang ama. Disenwebe anyos lang ito ng mabuntis nito ang kanyang ina, na noo'y nasa parehong edad lamang nito. Pitong taon siya ng pumanaw ang kanyang ina, dahil sa sakit na breast cancer. At mula noo'y hindi na nagmahal ng iba ang kanyang ama. Ngayon na lang dahil nakapag tapos na siya sa kolehiyo at may sarili ng boutique na pinamamahalaan. Okay lang naman sa kanya yon' pero ang hindi okay sa kanya ay ung pati ang anak na chaka ng step mother niya sa una nitong asawa, ay pinatira din ng kanyang ama sa kanilang mansyon. Kaya ang ending nagre-reyna-reynahan ang mga ito sa kanilang mansyon. Dahilan para makaramdam siya ng galit sa kanyang ama. Hindi man lang nito binigyang halaga ang mga alaala ng kanyang ina. Noong nabubuhay pa ito ay sa mansyon na din na iyon sila nakatira. Araw-araw siyang naiinis sa pagmumukha ng mag-ina, maging sa mga kilos ng mga ito sa loob ng bahay. mababait lang ang mga ito kapag kaharap nila ang kanyang ama. Pero kapag wala ito, doon lalabas ang tunay na kulay ng mga ito. Maging ang kanyang silid ay pinakikialaman. Kahit anong sumbong niya sa kanyang ama, ay sarado ang isip nito. At iyon ang nagtulak sa kanya para lumayas sa poder nito. "Anong order mo? ineng." Nagulat pa siya ng marinig ang tinig ng isang matandang babae. Saka pa lang niya napagtanto na nasa tapat na pala siya ng isang karenderya. "Ah kare-kare po, manang. Atsaka isang kanin po." Aniya sa babae saka naupo sa kalapit na mesa. Nang ma e-serve ang kanyang pagkain, agad niya itong nilantakan. Mas nadagdagan ang kanyang nararamdamang gutom ng malanghap niya ang masarap na amoy ng kare-kare. Ilang sandali lamang ay tapos na siyang kumain. Ngayon ay tirahan naman ang kailangan niyang problemahin. Nandito sila sa paanan ng bundok, hindi naman ito kataasan pero marami ang namamasyal sa naturang lugar. Mas malamig din sa lugar na ito, kesa sa ibang bahagi. Kaya nais niyang dito maghanap ng matutuluyan, kesa mag check-in sa mga mamahaling hotel. At upang makasigurado din siya na walang makakakilala sa kanya. Hindi nagtagal ay may napansin siyang karatula. Room for rent. Agad niyang binalingan ang babae na nag serve ng kanyang food kanina. "Nay, saan ko po pwedeng contact-in ang person in charge ng room for rent na iyan?" Aniya sa babae. "Ah iyan ba ineng? Ako. Ako ang may-ari niyan. Naghahanap ka ba ng matutuluyan?" Tanong naman nito sa kanya. "Ah, opo. Balak ko sanang magbakasyon dito." Aniya sa babae. "Ganun ba, sya sige, halika at ng makita mo ang silid." Paanyaya nito sa kanya. Saka nagpatiuna na sa paglakad. Sumunod na din naman siya. "Ito ineng. Sarili mo ang silid na ito. May sarili ka na ring banyo rito. Ang kusina naman ay nasa ibaba, pwede ka doong magluto kung gusto mo." Anito sa kanya. "Kung ayaw mo namang lumabas, pwedeng dito kana sa silid mo kumain. May mesa ka naman dito. Tahimik dito hija, kalimitan ay bakasyonista na tulad mo ang tenant ko dito. One month deposit, at one month advance nga lamang, sa mga kagaya mo na hindi kami sigurado kung magtatagal dito." Mahabang paliwanag nito. Matapos iabot ang kanyang bayad ay umalis na rin agad ang ginang. Agad naman niyang tinungo ang bathroom bitbit ang supot ng kanyang mga pinamili. Lalabhan na niya ang kanyang mga damit. Mabuti at may na spot-an siyang mga hanger na pwede niyang gamitin mamaya. Makalipas ang ilang oras, nahiga na siya sa kama. Ngayon lang siya namuhay ng mag-isa. Malayo sa kanyang pinakamamahal na ama. Marahil ay alam na nito na wala siya sa mansyon ngayon. Nag-iwan na lang siya ng sulat sa paborito nitong basahing aklat sa library. Minabuti din niyang mag withdraw ng malaking halaga kanina bago siya umalis sa kanilang Bayan sa Quezon province, dahil alam niyang ipapa freeze ng kanyang ama ang kanyang mga account, upang bumalik agad siya. Walang nakakaalam ng kanyang plano. Sino ba naman ang magdududa na maglalayas siya. Gayong wala siyang kahit na anong dala. Umusal siya ng maikling panalangin para sa sarili at sa kanyang ama, saka tuluyan na siyang pumikit. Kinabukasan tanghali na siya nagising. Nakakagaan ng pakiramdam ang mahabang oras ng kanyang tulog. Hindi na niya maalala kung kailan niya ito huling naramdaman, dahil sa mansion ng kanyang ama, kadalasan ay hindi siya nakakatulog. Palagi siyang umiiyak sa sama ng loob dito at sa pambu-bwisit na ginagawa sa kanya ng mag-inang sumampid sa kanilang tahanan. Flashback Excited si Maricon, para sa gaganaping kaarawan ng nag-iisang lalaki na kanyang hinahangaan. Invited siya dahil kaibigan ng kanyang yumaong ina ang ina ni Jake, at naging malapit din sila ng lalaki sa isat-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD