Your lips are my medicine. Just one kiss and it made me regain my strength. Third Person's Point of View NAGKULONG si Kreios sa kwarto niya. Nilock nito ang pintuan upang walang ibang makapasok sa loob ng silid. Gusto niyang mapag isa. Hindi niya alam ang mangyayari sa kanya kaya't gusto niyang lumayo sa mga tao. Pasumpong sumpong din kasing sumasakit ang marka sa likod niya. "Kreios..." narinig ni Kreios ang boses ni Bellona mula sa labas ng kwarto niya. Paulit ulit din itong kumakatok. "Alam kong nasa loob ka ng kwarto. Please, answer me. Nag aalala na talaga ako sayo, eh. Ano ba kasing mayroon sayo, Kreios?" Pinilit ni Kreios na hindi iinda ang sakit para matago niya ang nararamdaman kay Bellona. Ayaw niya rin kasing ipaalam sa dalaga ang nararamdaman niya. "Bellona," halos ibulong

