When feelings are too strong, no matter how much force you involve in hiding it, it will reveal itself. You will just see yourself drowning again with those feelings you are trying to conceal. "ARE we late?" Nagmamadali kaming pumunta sa likod ng academy dahil doon namin nararamdaman na papunta sila Hati at Skoll. Paano namin nasabi? Maraming tao ang naandito ngayon para tumambay. Malay ko ba kung gusto nila ng atensyon. "No, we're just in time." Nakarinig kami ng ilang sigawan ng mga tao. May nakasalubong na rin kaming mga estudyante na tumatakbo papalayo sa lugar na iyon. May ilan pa rin naman kaming naabutan doon na tila ba tulala at namamangha pa ring pinagmamasdan ang nangyayaring solar eclipse. "Move." Utos ko sa kanila. Kailangan kong tigasan ang tono ko nang sa ganoon ay marini

