Not because someone hurt you, you will hurt them, too. "HOW DARE YOU, Hel! Ang kapal ng mukha mong ipahiya ako sa harap ng maraming tao...sa harap ni Kreios. Akala ko ba magkaibigan tayong dalawa?!" Hindi pa rin ako nakakarecover sa pagsampal niya sa akin tapos ito pa ang maririnig ko mula sa kanya? Si Kreios? Si Kreios na naman ba? Wala na ba akong maririnig mula sa kanya kung hindi ang pangalan ng lalaking iyon? Wala na bang ibang laman ang isip niya kung hindi si Kreios? Sinampal niya ako dahil doon? How shallow. Bakit, may pakealam ba sa kanya si Kreios? "Iyan lang ba ang dahilan mo para sampalin ako, Bellona? May mas ibababaw ka pa ba diyan?" Natigilan siya sa narinig mula sa akin. I am furious at wala akong pakealam kung maoffend siya sa mga lalabas sa bibig ko dahil hindi rin nama

