Life sucks. There, I said it.
“HEL!”
Napatigil ako sa paglalakad ‘ko nang marinig ‘ko ang pagsigaw ni Bellona sa pangalan ‘ko. Boses palang niya, alam ‘ko na agad kung sino ito. Isa pa, wala namang ibang lumalapit sa akin dito kung hindi siya lang.
Bellona is rank 5 in our class. She has the power to manipulate time. Awesome? Not really.
Marami ang humahanga at gumagalang sa kanya. She has the respect of everyone in our school Bakit? Dahil mataas ang ranking niya. Ang hindi alam ng lahat, sa likod ng ranking na mayroon si Bellona ay isang lihim na kaming dalawa lang ang nakakaalam.
Hindi ako nagsalita at hinintay lang na sundan niya ang pagtawag sa pangalan ko.
“Magla-lunch ka na ba? Tara, sabay na tayo.” Masayang sabi niya. Tumango nalang ako at sabay na kaming naglakad papunta sa cafeteria.
Cheerful si Bellona. Bata palang ay magkakilala na kami. Halos sa kanila rin kasi ako lumaki. Opposite ang ugaling mayroon kaming dalawa ni Bellona. Hindi ‘ko nga alam kung paano kami nagkakasundo nito. Masayahing tao siya, ako naman ay hindi. Ni hindi ko na nga matandaan kung kailan ba ako huling nakaramdam ng kasiyahan.
Nang makarating kami sa cafeteria ay naabutan naming maraming tao roon. Lahat sila ay napatingin sa amin nang pumasok kami—o mas magandang sabihing, sa akin silang lahat nakatingin.
“Oh, naandyan na ‘yong rank 5 sa freshmen. Kadikit na naman niya iyong loser.”
“Siya iyong Hel, hindi ba? Siya ang pinakahuli sa klase niya, hindi ba? Pathetic.”
“Eww, hindi ko talaga alam bakit nakikipagkaibigan si Bellona sa mga kagaya niyang Hel na iyan. She deserves better.”
Nagsimula na silang magtawanan at insultuhin ako. Hindi ko nalang sila pinansin dahil immune na ako. As if namang nasasaktan pa ako sa mga sinasabi nila. Kumpara sa mga napagdaanan ‘ko sa buhay, wala ang mga pang iinsulto nila. May mas sasakit pa ba sa iwanan kang mag isa ng pamilya mo?
“Bellona, Hel, dito!”
Nang makabili kami ni Bellona ng makakain ay agad niya akong hinila papalapit sa dalawang taong tumawag sa amin.
“Hi Alvis, Dalia. Buti nalang may bakanteng upuan pa dito.” Kaklase namin ang dalawang ito. Hindi katulad ng iba ay pinakakikisamahan nila akong dalawa. Mga kaibigan sila ni Bellona pero hindi ko sila tinatratong kaibigan. Pare-pareho silang nasa top 15 ng klase.
“Hay nako, Hel, inaaway ka na naman ng mga nasa ibang klase. Makapanghusga akala mo kung sinong kay gagaling. Hayaan mo nalang. Insecure lang sila sayo.” Umupo ako sa tabi ni Bellona. Hindi ko napigilang magsalita dahil sa huli niyang sinabi.
“Insecure? Saan naman sila dapat mainsecure?” Kung marunong lang siguro akong tumawa ay tinawanan ko na ang sinabi niya.
Nginitian ako ni Alvis. “Kasi, alam naman naming hindi ka lang panglast ranking. You can do better. Ayaw mo lang.”
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ko inaasahang ilalabas iyon ng bibig niya. Ganoon pa man ay mas pinili ko pa ring manahimik nalang.
Natahimik kaming apat at kumain nalang nang bigla na namang magwala ang ibang tao dito sa cafeteria.
“Gosh, andyan na iyong dalawang hottie ng Class 1-A. Kreios and Theo are coming! Ang gwapo talaga nilang dalawa ‘no? Tapos top 1 and 2 pa sila ng klase nila. Hot.” Napatingin kami sa may pintuan at nakita namin na papasok na nga ang dalawa.
Wala akong pakealam sa ibang tao. But somehow, that Kreios is something else na kahit ako ay napapatingin kapag naandiyan siya. Para bang kilala ko siya na hindi? Whatever.
“Oh, at kapag naandiyan iyang dalawa. What should we expect? Syempre kasama ang b***h, hindi ba? Here she comes with her squad.” Narinig kong bulong ni Dalia habang tinitingnan ang mga babaeng nakabuntot sa dalawang top ng klase namin.
“Alam mo naman, hindi ba? Kung nasaan sila Kreios ay naandon din si Chloe. Well, we can’t blame her. Kahit ako ay humahanga sa kanilang dalawa lalo na kay Kreios.” Ani Bellona. “But not to the point na susundan ko sila kahit saan sila magpunta ‘no. I am not crazy.”
Si Kreios at Theo ay parang ako at si Bellona. Lagi rin silang magkasama at halos hindi mo mapaghiwalay. Magkaibigan silang dalawa kaya hindi na nakakapagtaka iyon. Sila ang nasa top ng klase namin. Kreios is the top 1 and Theo is our top 2. Si Chloe naman ay isa rin naming kaklase. She has a bitchy attitude at madalas din akong pagdiskitahan. Palibhasa ay alam niyang mataas ang ranking niya. She’s our top 8.
“Oh, look. Tingnan mo nga naman kung sinong naandito. The loser squad,” boses niya palang ay alam mo na agad kung sino siya.
“Okay nang maging loser at least hindi higad squad.” Ayoko na sanang patulan siya kaya lang naiirita talaga ako sa kanya. Sayang oras. Bakit ba kasi ako nagsalita? Nakakaspoil ng mood.
“Alam niyo, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niyo sinasamahan si Hel. Like seriously? Naawa lang naman ang school diyan kaya tinanggap iyan dito. Naaawa sila dahil walang pamilya si Hel. Nagmumukha tuloy na tapunan ng mga talunan ang school na ito dahil sa mga kagaya niya.” Malditang sabi ni Chloe.
Again, wala akong oras patulan siya. Magsasayang na naman ako ng laway kapag nagsalita pa ako.
“Kaya siya iniwan ng pamilya niya—”
Napatigil siya nang bigla akong tumayo at harapin siya. Damn, she pushed my button.
“Tama ka, basurahan nga ang academy dahil tinanggap nila ang mga kagaya mo. Kung may mas nakakahiya sa ating dalawa, hindi ba’t ikaw iyon? Wala ka man lang ng tinatawag nilang mahiya sa sarili. Makapagparinig ka akala mo hindi bumabalik sayo lahat ng sinasabi mo. Huwag kang magmalinis, dahil madumi kang tao.” Tumaas ang isang kilay ko. Isang bagay lang naman ang mali sa sinabi niya kaya ko siya papatulan ngayon eh. “Isa pa, pwede bang huwag mong idamay ang personal na buhay ko sa pangungutya mo? Baka hindi ako makapagtimpi at ilabas ko ang baho mo. Hindi porke’t mas mataas ang rank mo sakin ay mas magaling ka na. Baka magsisi ka sa huli, Chloe. Mas nakakatakot ako sa karma. Baka ipakain ko sayo lahat ng sinasabi mo.” Matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako.
That was long. Hindi ko akalain na masyado akong maraming masasabi dahil lang sa pagbabanggit niya ng issue ko sa pamilya. Aware sila na inabandona ako ng pamilya ko pero bukod pa doon ay wala na silang iba pang alam. If they will use that issue against me. Baka hindi na nila maabutan pa ang panibagong araw.
Napatigil lamang ako sa kakaisip ng kung ano ano nang may mabunggo ako habang papalabas ng cafeteria. Wala na ba talagang ikakaganda ang araw na ito?
“Sorry,” matipid niyang sabi. Tiningnan ko siya at nakita ko si Kreios. Awtomatikong kumunot ang noo ko nang makita ko siya. Ewan ko ba. May iba talaga akong pakiramdam sa kanya. Maybe because we’re somehow similar?
Napailing ako at agad siyang nilagpasan. Wala na rin naman akong iba pang sasabihin sa kanya.
Pakiramdam ko dahil sa narinig ko mula kay Chloe ay gusto kong manakit ng tao. Gusto kong may pagbuntungan ng galit ko.
“Attention students, please prepare yourself. You would likely encounter intruders in our school premises. Be vigilant and be careful everyone. It was reported that outsiders managed to get into our school without the permission of the higher-ups. We kindly seek your help to catch the intruders. Also, this will be a good opportunity for you to level up your ranking.”
Nang marinig ko iyon ay halos mapangisi ako. This is what I am talking about.
“Hel,” agad akong napatingin sa kanya. Nakita kong muli si Bellona. Mukhang alam na niya ang dapat naming gawin. Tumango ako sa kanya at agad kaming kumilos na dalawa. It’s hunting time.
“Anong plano mo kapag may nakita tayong outsider? Halos lahat ay nakikisali sa pakulo ng school para tumaas ang ranking nila. Ikaw, Hel? Anong purpose mo?” Katulad ko ay wala ring pakealam si Bellona sa ranking na mayroon ang school.
“Wala, gusto ko lang may pagbuntunan ng inis ko. Kanina pa nangangati ang kamay ko. I will kill them kapag natripan ko.” Tiningnan ako ni Bellona na para bang may mali sa sinabi ko.
“Patay agad? Ang brutal mo naman masyado. Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang goddess of the under—” pinatigil ko siya sa binabalak niyang sabihin. Hindi na niya dapat pang sabihin iyon. Baka may makarinig. Malaking eskandalo iyon kapag nagkataon. Mas gusto kong tahimik ang buhay ko.
“Oo na, sabi ko nga tatahimik na ako.”
Nagpatuloy na ako sa paghahanap ko. Marami akong pwedeng gawin para mahanap agad sila pero nasaan ang thrill at excitement sa gagawin ko, hindi ba?
“So, ganito na naman tayo? Lahat ng credits na makukuha mo sa gagawin nating ito ay mapupunta na naman lahat sa akin na para bang ako itong may nagawa kahit ang totoo ay ikaw naman talaga ang may ginawa. Hindi ba parang unfair iyon sa iyo? Hindi naman dapat ikaw ang nabubully at minamaliit nila dahil panghuli ka sa klase. Hindi ka nga dapat nasa ranking na iyan, eh.” Muli akong natigilan sa kanyang sinabi. Masyado na siyang madaldal.
“How many times should I tell you that I don’t care about the system. Kanila na iyang ranking nila. Gusto ko lang mabuhay ng normal hanggang sa makita ko siya. Alam kong susi ang school na ito para makita ko sila. Don’t let me repeat myself, Bellona.” Muli na sana akong maglalakad nang makaramdam ako ng kakaibang presensya. Agad kong pinigilan si Bellona at hinarangan ang daraanan niya.
Nagmasid ako at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang paggalaw ng damuhan. Someone is here.
“What’s with that noise? Huwag mong sabihin na naandito sila?” Halata ang pangamba sa boses ni Bellona samantalang ako ay kakaibang excitement ang nadarama. This is what I am waiting for.
Every time na may nangyayaring ganito, hindi ko maiwasang matuwa. Sa ideya lamang na may dadanak na dugo at may papatayin ako ay hindi ko mapigilan ang mga demonyo ko sa tiyan na tila ba nagtatatalon sa tuwa. Nasa pangalan ko na rin naman, Hel. And you must know what my name signifies.
“Show yourself.” Ano kayang klaseng nilalang ang pangahas na pumasok dito sa academy na wala man lang pahintulot? At para mas pabilibin ako, nagawa nilang sirain ang barrier ng school. No one other than me, can do that. No matter who they are, I still have the upper hand.
“Okay, I’ll be here, Hel. Call me if you need anything.” Ani Bellona at naupo sa isang malaking bato.
Don’t underestimate Bellona. She’s not weak, pero ayaw niya na may nasasaktan siya. Ayaw niyang lumalaban. Kaya sa tuwing may ganito, I am the one who dirties my hands.
“Take care, Hel.” Hindi na niya kailangan pang sabihin iyon. Wala namang mangyayaring masama sa akin.
“Just do what you used to do. Patigilin mo ang oras kapag may papalapit dito. Ayokong mahuli sa akto. Ayokong may iba pang makaalam ng sekreto ko.” Paalala ko sa kanya at sa tingin ko naman ay nakuha niya ang mensahe ko.
May lumabas na lalaki galing sa likod ng isang malaking puno. Nasa posisyon na ako para bumanggit ng spell at i-cast iyon sa kanya nang halos masamid ako sa sarili kong laway nang makita ko ito. Come on, is this some kind of a joke? Setup ba ito at palabas lamang ng school?
Napatayo si Bellona nang makita niya ang lalaki. “What? Kinakaalarma ng buong school ang isang ordinaryong tao? Ni mukha ngang walang kakayahan ang isang ito. Nagbibiruan ba tayo dito? How did they even manage to destroy our barrier? Ano na naman ba ito? Anong pakulo ito ng school?”
Lalapitan na sana niya ito nang pigilan ko siya. “Stop right there. Huwag mong tangkaing lapitan ang isang ito. Hindi mo alam kung anong tinatago niya. You can’t judge him by just looking at his appearance. He may look like an ordinary human but behind that may be a tiger in disguise. Don’t let his appearance fool you.” Babala ko sa kanya.
Hindi mo masasabi na ordinaryong tao lang sila gayoong nagawa nilang sirain ang barrier ng school at makapasok dito pero sila nga ba ang may kagagawan ‘non o may iba pa silang kasabwat?
Bilang isa akong imortal ay nilapitan ko siya nang wala man lang bahid ng takot. Advantage ko na rin siguro na hindi ako natatablahan ng mga ordinaryong patalim ng tao. I am a superior being. A goddess. Pero kagaya ng iba, may kahinaan din ako. Kahinaang piling tao lamang ang nakakaalam. Bellona knows some of my weaknesses but not all. Even though, I trust her, may mga pagkakataon pa rin na dapat sinasarili mo lamang ang isang bagay. Hindi mo alam kung sino ang ta-traydor sayo o kung sino ba talagang kakampi mo. Everyone can be your friend, but those friends can be your enemies as well.
Sobrang lapit ko na sa kanya nang ilabas niya ang kutsilyong hawak niya. “Wrong choice of weapon, Mister.”
Bago pa man niya magamit ang hawak niyang kutsilyo ay agad kong hinawakan ang kamay niya. Mahigpit ko itong hinawakan na siyang dahilan para mabitawan niya ang kutsilyong hawak hawak niya.
Hinawakan ko ang ulohan niya at tinitigan ko siya sa mata niya na tila ba tinitingnan ko mismo ang kaluluwa niya.
“Entering this place without permission is like entering your own grave, Mister. And of all people, encountering me is your biggest mistake. It’s like facing your own death.” Naramdaman ko ang takot mula sa mga mata niya. Nakikita ko kung gaano siya natatakot sa akin.
“What is your purpose? Do you want to steal something or what? Make sure that your reason will convince me. Because one wrong answer will be your end.” Lumawak ang pagngisi ko. Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa ulohan niya. “A sinner like you needs to be punished.” Tinapik ko ang pisngi niya. “And do you know what I do to those souls I judge? I bring them to the underworld and make them experience an eternal torture and sufferings.” Nagblangko ang mata niya nang dahan dahan kong hilahin palabas ang kaluluwa niya. Nang malapit na akong magtagumpay sa ginagawa ko ay agad sumigaw si Bellona.
“May paparating.”
Damn it. Kung kailan naman nasa kalagitnaan ako ng ritwal ko, oh.
Ibinalik ko sa katawan niya ang kaluluwa niya at bumalik sa dating buhay ang mga mata nito. “For the meantime, hahayaan muna kitang matikman pa ang buhay na ipinagkaloob sa iyo. Hahayaan kitang makita ang kaharian ko. Tatapusin ko lang ang trabaho ko dito at babalikan kita.” Binuksan ko ang lagusan papunta ng Helheim. Tinulak ko siya papasok doon at hinayaan siyang lamunin nito.
Napatingin ako kay Bellona at sumenyas ito sa akin. Nakita ko naman agad ang dalawang anino ng lalaki. Hindi nagtagal ay naaninag ko ang dalawang ito. Sila Kreios at Theo.
“Kayo lang pala, akala ko may kalaban na. Sayang.” Ani Theo.
Oo, mayroon nga dito. Unfortunately, wala na siya ngayon. Nasa mundo na ng mga patay. Gusto mo isunod na kita? Tsk, istorbo kayo. Kung hindi lang sila dumating ay tapos ko na sana ang trabaho ko doon sa lalaki. Edi sana hindi na siya nahihirapan ngayon. I hate tormenting humans.
“Akala ko mayroon dito, Theo?” Kung makaasta naman ang Kreios na ito ay akala mo wala kaming dalawa ni Bellona sa harapan niya. Hindi na rin ako magtataka. We’re alike. Halos katulad ko siya ng ugali. Pareho lamang kaming seryoso at tila ba walang pakealam sa iba.
“Tabi!” Napaupo ako sa damuhan dahil sa pagkagulat ko. Bigla nalang kasi akong tinira ni Kreios ng apoy. Buti at nakailag ako.
“Kreios, ano ba iyong ginawa mo?!” Agad akong nilapitan ni Bellona at inalalayan. Nabigla ako masyado sa nangyari at hindi agad nakakilos. Fire is one of my weaknesses. I hate it.
My kingdom is not what you think it is. Hindi siya ang mundong mainit at napupuno ng apoy. Hindi siya katulad ng sinasabi ng iba. My kingdom is an icy world. Kaya normal lang sa akin na ayawan ang maiinit na bagay. Sanay ako sa malamig na kapaligiran.
“Sorry, I didn’t mean to surprise you. The attack wasn’t for you. I thought I saw someone. It was an impulsive action.” Lumapit si Theo at Kreios sa amin.
Hindi ko siya pinansin. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o totoo ang sinasabi niya.
“Apoy lang naman iyon, hindi mo ikamamatay.” Tiningnan ko ng masama si Theo dahil sa sinabi niya. Kung siya kaya ang tuluyan ko?
Tama naman siya, hindi ko iyon ikamamatay pero who the hell is sane enough to throw something so dangerous to other people? Paano nalang kung hindi sa akin nangyari iyon, hindi ba?
Naglakad si Kreios. Sinundan ko siya ng tingin. Baka mamaya ay kung ano na naman ang gawin niya habang nakatalikod kami. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang dinapot niya sa hindi kalayuan sa pwesto ko. Ang tanga mo, Hel! How can you leave an evidence? Bakit hindi mo nilinis ang kalat mo?!
“A knife?” Nilingon kami ni Kreios na may pagdududa sa kanyang mga mata. Ipinakita niya sa amin ang kutsilyo bago muling magtanong. “Tell me, may nahuli na ba kayong outsider?”
Bakit ba ang careless mo ngayon, Hel? s**t.
Nakatingin lang sa amin si Kreios na para bang binabasa niya ang mga iniisip namin. Kung sakali mang magkagipitan mamaya or he will accuse us of something, I have no choice but to finish him.