Chapter 1: Living On The Street.

1460 Words
Chapter 1: Living On The Street. Written by Felix Alejandro "MAYA, kainin mo na ito." Inabot ni Aguila ang pancit na may kanin na binili niya sa palengke kay Maya. Tinabihan niya ito sa kinauupuan nitong kariton nila na nasa ilalim ng tulay. Naroon ito para makasilong man lang kahit kaunti. Umulan kasi kanina. "Wow, kuya! Ang sarap naman po nito! Saan ka po nakakuha ng pambili?" nakangiting tanong ni Maya sa kanya. "Huwag mo nang tanungin, basta kumain ka na lang. Alam ko buong hapon walang laman ang sikmura mo," sabi niya sa kapatid. "Hati po tayo, kuya. Kain ka rin po," sabi nito saka akmang susubuan sana siya pero nag-iwas siya ng mukha. "Huwag mo akong intindihin. Hindi ka mabubusog kapag binigyan mo pa ako," sabi niya. "Pero hindi naman po yata tama na kainin ko lang lahat 'to. Baka magkasakit ka." Nalungkot ang mukha ng kapatid niya. Napakaganda nito kahit marungis ang mukha at magulo ang buhok. "Kumain na ako kanina. Huwag ka nang makunsensya, okay?" Ginulo niya lalo ang buhok nito at mabait na nginitian ito. "Sige po, sabi mo, e. Salamat po, kuya!" masayang kumain na sa harapan niya ang kapatid niya. Simpleng pancit lang na tigbente pesos at isang kanin ang nabili niya para rito pero masaya na ito. Buong araw kasi silang walang kinain dahil ang napaglimusan nito, ninakaw pa ng mga walanghiyang lalaki na sakop ng sindikato sa lugar na iyon. 16 years old na si Maya at 18 naman siya. Parehas pa silang menor de edad at kung tutuusin, nasa school dapat sila pero narito sila ngayon, nasa kalye, walang tirahan at pakalat-kalat lang kung saan. Apat na taon na rin simula nang maglayas sila sa kanila at ni hindi man lang nag-abala ang mga magulang nila na hanapin sila. Tinakas niya si Maya sa tatay niyang many*kis. 12 lang si Maya nang mahuli niya ang ama na hinihipuan ito habang natutulog. Nagsumbong naman siya sa mama ni Maya pero imbes na mag-alala sa anak ay tila wala pa itong pakialam kay Maya. Kaya naman itinakas na lang niya ito dahil sa takot niya na baka mapagsamantalahan pa ito ng tatay niya. Gustuhin man niya na magsumbong noon sa mga awtoridad ay hindi niya rin magawa. Dahil pulis mismo ang tatay niya at gwapo rin ito, walang naniwala sa kanya. 33 years old lang ang papa niya at habulin din ng mga babae kaya mahirap daw paniwalaan na magnanasa ito sa kasing bata ni Maya na 12 years old pa lang noong mga panahong iyon. Pinagbintangan pa nya siya noon na nagrerebelde lang at nagsisinungaling pa. Hindi na lang niya pinilit pa ang sumbong niya sa mga pulis dahil ayaw din niya na makaladkad ang pangalan ni Maya. Kahit naman hindi ito natuloy na pagsamantalahan ng papa nila ay maaaring maisip ng mga tao na natuloy iyon. Ayaw niyang magmukhang disgrasyadang babae si Maya dahil para sa kanya ay pure pa ito, inosente at dapat galangin, hindi dapat pagtsismisan. Hindi sila magkadugo ni Maya. Anak siya ng papa niya sa ibang babae at ito naman, anak ng nanay nito sa isang foreigner na nakatalik nito sa trabaho. Isang babaeng mababa ang lipad ang trabaho ng mama ni Maya. Galit pa ito kay Maya dahil daw tinakasan ito ng ama ni Maya noon na hindi binabayaran. Akala pa naman daw nito ay big time ang papa ni Maya pagkatapos mas mahirap pa naman daw pala sa daga na hindi nagbayad sa p********k nila at ang malala, nagbunga pa iyon. Masasabi niyang masamang babae ang nanay ni Maya. Binuhay nga nito si Maya at hindi pinalaglag pero wala naman itong ibang ginawa noon kung hindi alilain lang si Maya at pagsalitaan ng masasakit na salita. Na kesyo dapat daw ay pinalaglag na lang daw nito si Maya na wala raw silbi. Parehas lang sila ng kalagayan ni Maya. Siya, hindi niya nameet kahit kailan ang nanay niya at si Maya naman, hindi na rin nakilala pa ang papa nito. Parehas pa na mga inutil ang mga natira nilang magulang kaya naman naging sandigan nila ang isa't-isa. Kahit hindi man sila magkadugo, para sa kanya ay si Maya ang nag-iisang pamilya niya. Mas mahal pa niya ito kaysa sa tatay niya na m******s o sa nanay niya na hindi niya nakita ang anino kahit na kailan. Para sa kanya, si Maya lang ang mundo niya. Gagawin niya ang lahat para maprotektahan ito kahit mismong ang sarili niya ay hindi rin niya magawang maalagaan. "Matutulog na po ako. Good night, kuya!" nakangiting hinalikan pa siya ni Maya sa pisngi niya at doon, naramdaman niya na biglang tumalbog ang kabog ng dibdib niya. Lalo pa at sumandal sa balikat niya si Maya para matulog na. Hindi kasi sila makatulog ng maayos sa kariton dahil masikip doon. Pigil niya ang hininga habang hinihintay na makatulog si Maya. Saka maya-maya ay pinahiga niya ito sa lap niya at pinagmasdan niya ito na matulog. Napakainosente ng mukha ni Maya. Para itong anghel. Hindi rin pangkaraniwan ang ganda nito. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil maganda rin ang nanay nito na siyang puhunan nito sa pagiging p*kp*k. Bukod doon, ang pagkakaalam niya ay may lahing kastila ang ama nito na customer ng nanay nito. Isang one night stand na nagbunga ng isang napakagandang anghel. Matangos at maliit ang ilong ni Maya, mahaba ang pilik mata, may double eye lid at nagniningning ang mga mata nito sa tuwing ngumingiti ito. Napalunok siya ng mamasdan ang manipis na labi nito na bahagyang nakaawang at parang naghihintay ng halik. Pinilit niyang iniwas ang tingin niya roon lalo pa at parang natutukso na naman siya na halikan ito. Minsan na niyang ginawa iyon noon at halos hindi siya pinatulog ng kunsensya niya kaya hindi na niya inulit ulit. Alam niya na may nararamdaman siya para kay Maya na higit pa sa isang kapatid pero pinipigilan niya iyon dahil para sa kanya at para rito ay pamilya sila. Hindi niya ito itinakas sa ama niya na manyak*s para manyak*n din ito. Poprotektahan niya si Maya kahit laban pa mismo sa sarili niya. "Kuya, huwag ny'o po akong iiwan," sabi nito habang natutulog ito. Napangiti siya sa narinig lalo pa at mukhang siya ang napapaginipan nito. Kahit na dalawang taon lang ang agwat ng edad nila sa isa't-isa ay grabe siya kung galangin ni Maya. Nagpo-po talaga ito sa kanya. Isa iyon sa mga itinuro niya rito. Ang galangin ang mga taong mas matanda kaysa rito. Sabagay, halos siya na ang nagpalaki rito dahil wala naman silang aasahan sa mga magulang nila. Minsan na rin silang pinagtangkaan na hulihin ng mga iba't-ibang ahensya sa kalye pero sa loob ng apat na taon, kahit minsan ay hindi sila natuksong sumama sa mga iyon. Tinatakbuhan nga nila agad kapag nakikita nila ang mga iyon dahil sa takot nila na ibalik lang sila sa mga magulang nila. Kung sa bahay ampunan naman, may possibility na magkahiwalay pa sila kaya palagi niyang sinasabi kay Maya na tatakbo ito kapag may mga pulis o kaya mga taga dswd o madre itong nakita. Mahirap ang buhay nila sa kalye. Palagi silang gutom, madungis at nilalamig at nilalamok kapag gabi. Pero mas gugustuhin na nilang ganito kaysa naman magkahiwalay sila. 12 lang si Jenny at 14 siya noong naglayas sila kaya hindi na rin sila nakapag-aral. Kaya kahit siya ngayong 18 years old na ay nahihirapan pa ring maghanap ng trabaho dahil kahit highschool man lang ay hindi niya natapos. Pero ginagawa niya ang lahat ng makakaya niya para may makain sila ni Maya. Kung minsan nga ay nag-i-i-snatch pa siya. Kaya lang, marami ring mga salbahe sa kalye. Mga sindikato na kinukuha pa ang mga kapiranggot na kinikita nilang mga pulubi. Biglang tumunog ang sikmura niya sa sobrang gutom. Kinuha niya ang tubig na nasa bag niya at ininom iyon para mawala man lang kahit kaunti ang gutom niya. Sinabi lang niya kay Maya kanina na kumain na siya pero sa totoo lang ay hindi totoo iyon. Ang kinita niya kanina na isang daan sa pagkakargador sa palengke ay nanakaw lang ng mga siga sa kalye na parte ng mga sindikato. Iyong binili niyang pancit nito kanina ay galing sa pagnanakaw niya. Malas lang niya dahil iyong nanakawan niya, wala rin palang pera. Pero ang mahalaga, nakakain si Maya ngayong gabi. Pinilit niya na ipikit na rin ang mga mata para matulog. Nagdasal siya na sana, dumating din ang araw na makaahon sila ni Maya sa hirap. Magkaroon pa sana ng himala kung saan parehas silang makakapag-aral ulit at magkakaroon ng matinong trabaho sa hinaharap. Alam niyang imposible pa sa ngayon pero naniniwala siya sa Diyos. Hindi sila nito pababayaan at habang buhay silang mabubuhay na magkasama ni Maya... - TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD