Kabanata 16

1035 Words
Ryder’s PoV TATLONG TAON ang mabilis na lumipas. Tinanggap ko ang alok ni Miss Fiona, pinakasalan ko siya at ibinigay niya sa akin ang lahat. Hindi ko hiningi at kusa niyang ibinigay. Nalaman ko na matagal na pala siyang may matinding karamdaman at matagal na ring nakikipaglaban sa sakit na bone cancer. Noong nakaraang taon palagi ito sa hospital, nasa Canada naman ako at inaasikaso ang negosyo na ipinamana ng yumao nitong mga magulang. Akala ko malusog ito dahil masiyahin iyon pala may iniinda itong sakit na hindi ko man lang alam. At ngayon, nasa loob kami ng aming kuwarto. Sa mansion ni Miss Fiona na ngayon ay aking asawa. “Hindi ka na dapat umuwi, Ryder. Sana nag-stay ka na lang sa Canada,” matamlay na sabi nito at pinilit na bumangon sa hinihigaan na kama. “Nagsinungaling ka sa akin, Fiona. Ang sabi mo sa akin wala akong dapat na ipag-alala dahil maayos ang kalagayan mo. Ang sabi mo sa akin okay ka lang, at palagi mong sinasabi sa akin na wala akong dapat na alalahanin dito. Tinulungan mo ako sa lahat ng bagay pero hindi ko man lang napansin na napababayaan kita,” malungkot na sabi ko rito. Nilapitan ko ito at hinawakan nito ang aking kamay. “Hindi na ako magtatagal, Ry---” Mabilis akong umiling at niyakap ito nang mahigpit. Wala akong nararamdaman na pagtingin kay Fiona ngunit napamahal na siya sa akin bilang isang matalik na kaibigan. Isang tao na hindi ako ikinahiya sa lahat at isang taong tumulong sa akin upang mabago ang aking buhay. “Hindi ako papayag… dadalhin kita sa mga magagaling na espesyalista!” naiiyak na giit ko habang yakap-yakap ito. “Ryder…” “Ibinigay mo sa akin lahat ng bagay na hindi ko hiningi. Sa pagkakataon na ito sana ako naman ang pakinggan mo,” humihikbing pakiusap ko rito. Itinulak niya ako ng marahan at hinaplos ang aking magkabilang pisngi. “Makinig ka sa akin… matagal na akong may sakit at matagal ko na ring tinanggap ang aking kapalaran. Masaya ako na nakilala kita at dumating ka sa buhay ko. Palagi mong tatandaan kung sino at ano ka dati.” Pumapatak ang luha sa mga mata nito habang nagsasalita sa harapan ko. “Huwag mong hayaan na lamunin ka ng iyong galit.” Muli ko siyang niyakap nang mahigpit. “Oo, pangako, Fiona.” Iyon ang sinabi ko ngunit hindi iyon ang nasa puso ko. Walang puwang sa akin ang kapatawaran sa mga taong naging dahilan kung bakit naging matigas ang aking puso. “P’wede mo ba akong tabihan na matulog?” humihikbing tanong nito sa akin. Hindi ako nagdalawang-isip. Inihiga ko siya sa kama at tumabi ako sa kanyang pantulog. Niyakap niya ako nang mahigpit habang patuloy sa pagtulo ang aming mga luha. “Mabubuhay ka pa ng matagal, Fiona.” Tiningala niya ako at pinahid ko ang luha sa magkabila nitong mga mata. “Mahal na mahal kita…” mahinang sambit nito. Sa paulit-ulit na pagkakataon na sinasabi nito iyon sa akin ay wala akong naging tugon. Ngunit sa pagkakataon na ito… hinawakan ko ang baba ni Fiona at dinampian ng masuyong halik ang mga labi nito. Wala na akong salitang binigkas maliban doon. Niyakap ko siya nang mahigpit at ganoon din ang ginawa niya sa akin. KINABUKASAN akala ko magigising ako sa panibagong umaga ng buhay ko na minamahal ito ngunit nagising ako na yakap-yakap ang malamig na katawan ni Fiona. Saksi ang mga katulong, at ang private nurse na nag-alaga rito kung gaano ako nanlumo. Pakiramdam ko tinalikuran ako ng langit. Kung kailan binubuksan ko ang aking puso para matutunang mahalin si Fiona ay doon naman ito nawala. Mga malalapit na kaibigan lamang at kamag-anak ang inimbita ko sa burol ng aking asawa. Pagkatapos ng burol bumalik ako sa Canada, nagpasya akong ibenta ang mansion nito sa Manila. At ang napagbentahan ng bahay ay inilagak ko sa foundation na itinatag ni Fiona. Ibinuhos ko ang aking panahon sa naiwang negosyo ng aking asawa. At tama nga ito… nasa pangalan ko lahat ang mga ari-arian na iniwan nito sa akin. Binago ni Fiona ang buhay ko at ang katayuan ko. Mula sa isang basahan na ngayon isa nang ganap na bilyonaryo na kayang tapatan ng triple ang yaman ng mga Vicosta. Sa nakalipas na limang taon wala akong naging balita kay Nomi, maliban sa pagkalugi ng Vicosta Wirings. At ang tanging pag-asa ay ang malaking shares na naiwan ni Fiona. Hindi ko alam na tinulungan nito ang kompanya nila Nomi kahit na alam nito ang ginawa ng mga ito sa akin. Kung anuman ang dahilan ni Fiona na iyon… wala na akong pakialam. Nasa harapan ako ngayon ng salamin. Sa loob ng aking kuwarto, sa bagong gawa kong bahay, dito sa Dagupan. Isang malaking bahay na ipinagawa ko dahil nakapagdesisyon na akong tumira dito sa Pilipinas na kasama ang aking pamilya. Isang beses sa isang buwan na lamang ako pupunta sa Canada upang siguraduhin na maayos pa rin ang pamamahala sa clothing brand at cosmetic products ni Fiona. Tumunog ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng aking kama. Inaayos ko ang necktie ko dahil pupunta ako ngayon sa Vicosta Wiring Company upang formal na ipakilala ang aking sarili sa board. “Sir Ryder,” tinig ni Yasmin sa kabilang linya. Siya ang secretary ni Fiona noon, na secretary ko na ngayon. Ini-loud speaker ko ang cellphone ko habang nagi-spray ng mamahaling pabango. “Yes, Yasmin!” “Sir, baka ma-late ako ng five minutes or more. Nasiraan kasi kami sa daan ni Kuya Melchor.” Bakas sa boses nito ang pag-aalala. “It’s okay, Yas. Take your time. At mag-iingat kayo ni Manong Melchor,” nakangiting sabi ko rito. Tinapos ni Yasmin ang call at kinuha ko ang aking cellphone. Isinuot ko ang akin itim na business suit at saka tumingin sa aking repliksyon sa salamin. Ibang-iba na ako sa dating Ryder… Sigurado ako na ikakagulat ng mga Vicosta at Milano ang pagdating ko. Napangisi ako habang nakaharap sa salamin. Ano kaya ang sasabihin ni Nomi kapag nakita niya ako? Hindi pa ako nagsisimula ngunit natitiyak ko na nababahag na ang mga buntot ng mga taong yumurak sa pagkatao ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD