RIA POV (Also Zichoria)
Hays...
*Yawn*Hay buhay! New day! Haha..
"Anak! Gumising ka na dyan! Nananaginip ka na naman! Jusko! Hala! Gising! "bulyaw ng nanay ko
"Hmm... Ma naman eh! Inaantok pa ko eh! "reklamo ko! Kaasar naman oh!
"Aba aba!! Hoy! Madame Auring! May pasok po kayo! Malalate na po kayo kaya bilisan nyo!! "bulyaw ng nanay ko pagkadating nya dito sa kwarto ko.
Wait what?! Waahhh may pasok pa pala kami!!
Nagmadali na ako at nagpuntang cr. Kaasar naman kasi nung engkantada, diwata oh ensemada!hay naku !ewan! Hindi ako makatulog ng maayos dahil dun eh! Ako?! Prinsesa?! Nagpapatawa ba siya?! Tss misan may pagkapalabiro pala yung empanadang este! Engkantada na yun!.
SOMEONE POV
Mahal kong anak nasaan kana ba?Sana bumalik kana.
Nasaan na kaya ang aking anak. Saan na kaya dinala ni lorves ang anak ko?
"Mahal na hari may bisita po kayo. "sabi ng isang kawal.
"Sino iyon?"tanong ko sa kawal.
"Ang Goddess Lorves. Mahal na hari. "sagot naman ng kawal.
Tamang tama ang kanyang pagdating! Namimiss kona ang anak ko!
"Sige papasukin mo"utos ka sa kawal.
Mayamaya iniluwa ng pinto si Goddess Lorves. Ang nag-alaga sa aking anak.
"Mahal na hari nais ko lang pong ipaalam na nahanap ko na ulit ang iyong anak. "sabi niya.
"Talaga?!. Pwes kung ganon. Halika at samahan mo ako sa kinaroroonan niya. "masaya kung sabi. Sabik na sabik na kung makita ang aking munting prinsesa.
"Ngunit mahal na hari. Ipagpaumanhin nyo dahil nasa mortal po siya at ipinagbabawal po sa inyo na pumunta doon"mahabang sabi ni Lorves.
"Ngunit gusto ko nang makita ang prinsesa. "sabi ko
"Maghintay lang kayo mahal na hari. Makikita nyo rin ang prinsesa. Sa ngayon babantayan ko muna siya sa kabilang mundo. Mauuna na po ako. Paalam mahal na hari. "sabi ni lorves at nagbow na isang senyal ng paggalang.
"O sige. Mag-iingat ka. Bantayan mo ang aking anak lorves. "utos ko bago umalis si lorves
"Masusunod mahal na hari"sabi niya at naglaho na.
Hay... Maghihintay kami ng iyong ina sa pagbabalik mo princess Kashmier Avrille Zachoria Froster... Ang aking munting prinsesa...
RIA POV
Kainis! Argh! Pano ba naman! Huhuhu.. Kasi naman eh! Yung babaeng panget na yun! Kaasar!
Tinapunan lang naman ako ng juice sa ulo at nilagyan ng cake. Tss Ano sa tingin niya sakin?! Lalagyan?! Aba!
"MISS REYES!! COME TO MY OFFICE!"hahahaha buti nga sayo! Bleeehh
Tinignan niya ako ng masama ngunit nginitian ko lang siya ng pagkatamis tamis kaya mas lalong nainis haha
"Ria? Ok kalang? "alalang tanong nung classmate ko. Naalala nyo? Yung nagtanong sakin kahapon? Siya yun
"Oo naman!Matibay yata to! Hahaha"sabi ko at umacting pang parang superhero
"Ikaw talaga! Palabiro ka parati! Hahaha"natatawang sabi niya at hinampas lang naman ako sa balikat -__-.Feeling close te? Ganon? Aba matinde!
"Ah sige ah Cr muna ko"paalam ko at lumabas. Hindi naman talaga ako magccr eh. Rason ko lang yun para malayo sa kanila. Malay mo naman diba.
Nagpunta ako sa garden at naupo! Ahhh... Nakakarelax talaga dito! Hays. Ang daming flowers! Butterflies! Wow! Hihihi
Parang may nararamdaman akong kakaiba. Parang may nakatingin sakin ng matalim. Grabe ah!
Tumingin tingin ako sa paligid at may napansin akong nakablack suit sa likuran ng puno! Bingo! Siya nga! Hindi ko lang pinahalata ngunit nagulat ako nang inisip ko lang yung kutsilyo eh may hawak na kong kutsilyo.
Buti nakatago.
Unti unti ko Inihagis sa likod ng puno at may narinig akong sigaw
"AHH!! F*CK! IT HURTS! SH*T!."maka mura naman to wagas!
"labas! "pasigaw kung sabi
At doon lumabas ang lalaking parang ninja na naka blacksuit
"Sino ka?! "tanong ko. Katakot naman tong taong to
"Ako lang naman ang PAPATAY SAYO!! "sigaw niya. Wait what?! Papatay?! Waahhh
"A-anong sa-sab-sabi m-mo?! Ako papatayin mo? Ha! Mauuna ka! "hindi ko alam kung bakit nabanggit ko iyon.
"Hahaha.. Pano mo ko mapapatay eh wala ka pa namang powers haha"tawang tawa niya.Biglang nag-init ang ulo ko at nagulat ako sa nangyari.
O_O
"F*ck!Prinsesa ka nga! Argh!"singhal niya at bigla nalang naglaho.. Nangangatog ang tuhod ko sa gulat at takot.... Pa-paanong?!... Paano?.. Gi-g-ginawa ko b-ba talaga yun?! ...waahhh...
.
.
..
.
.
.
.
.
Nasak sak ko siya ng kutsilyo sa tyan gamit ang utak ko?!
__________________________________________________________________________________________________________