"HMMM. . ." Mahinang ungol ko habang unti-unti ay nagbabalik ang kamalayan ko. Hindi ko alam kung anong oras na, pero masakit pa ang mga mata ko nang subukan kong dumilat, kaya naman natitiyak ko na hindi pa ako natatagalan sa pagtulog. Antok na antok pa ako. And at the same time, pagod dahil hindi na naman ako tinigilan ng magaling kong asawa kagabi hangga't hindi nito nakikita na wala na akong ikakaya para sa susunod na namang laban. "Ilang araw akong mawawala, Angel. Para hindi mo naman ako masyadong ma-miss." Pabirong anas pa nito sa tainga ko nang umpisahan na naman akong romansahin, sa ikatlong pagkakataon, kung hindi ako nagkakamali, ay bandang alas dos y media ng madaling araw. "Saka maaga pa naman. Ang usapan, ay magpupuyat tayo." Anito pang muli, nang magreklamo ako na pago

