Chapter 38.2 - Dos

1044 Words

"HUY! ANO'NG NANGYARI SA 'YO?" Wala sa loob na nag-angat ako ng gulat na tingin kay Asher, na pinitik pa ang dalawang daliri sa harapan ng mukha ko. Nagtatanong ang mga matang umarko ang isang kilay ko rito. "Kanina ka pa nakatulala, riyan. Para kang namatanda." Napapailing na sabi pa rin nito. "Problema mo?" Nang ilibot ko ang aking tingin sa mga kaibigan ko, ay saka ko lang napansin na sa akin na pala nakatuon ang lahat ng tingin ng mga ito. At katulad ni Asher, nasa mga mata rin ang pagtataka at piping pagtatanong, 'ukol sa umano ay pagkatulala ko. Pagbalik ko mula sa paghahatid kay Isla ay inabutan ko pa rin ang mga ito na nag-iinuman. Ang tangi lang hindi umiinom ay si Coleen, na nobya ni Casper. May exam pa kasi ito bukas, kaya't hindi pwedeng malasing. Katulad ni Isla, ay grad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD