"I AM REALLY VERY SORRY, MA'AM, hayaan po ninyo at kakausapin ko ang anak ko, pag-uwi namin ng bahay." Halos makabisado ko na ang linyang iyon, na hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na bang sinabi sa mga naging teacher ng anak ko, simula pa lamang noong ipasok ko ito ng nursery. "Wala pong problema, Sir." May kasama pang pagtango, na nakangiting sagot naman sa akin ng guro. "Pasensya na rin po sa abala." Ngumiti lang din ako rito at tumango. Napansin marahil nito na nakapang-opisina pa ako, kaya't naisip na naabala niya ang trabaho ko sa biglaang pagtawag. Well, sanay naman na rin ito, at hindi naman ito ang unang araw na nagkita kami. Iniisip ko na nga na magpalagay ng Elementary Department sa Montesilva High, at nang doon na lang ako mag-opisina. Nang sa gayon ay madali na par

