"SO, HOW DO YOU FIND THE PLACE?" Tanong ni Dos, pagbaling sa akin. Nagkibit ako ng mga balikat. "Okay." Umangat ang isang kilay nito. "Okay? Iyon lang?" "Okay. Maganda. Hindi kasing ganda ng sa mga five star hotel, pero pwede na kung pahingahan lang." Mas mahaba nang sagot ko rito. Na totoo naman. Actually, ay hindi nga ganito ang inaasahan ko. Mas malaki itong 'di hamak. Ang alam ko kasi sa motel, ay iyong katulad ng napanood ko dati sa isang online app. Maliit lang iyong kama roon. Talagang pandalawa katao lang. Pati iyong dining table na may kasamang dalawang upuan, medyo maliit din. Maliit lang kasi ang space kaya't hindi pwedeng malalaki ang mga kasangkapan sa loob. At least iyong tv ay halos pareho lang ng sukat. At iyong mga salamin sa gilid pati na rin sa kisame ay halos pare

