"BAKIT NANDITO KA PA, HON?" Ani Dra. Snow, na lumipad ang tingin sa likuran ko. "May nakalimutan ka ba?" Nagkaroon pa ng ilang gatla ang noo nito. Natigilan naman ako dahil doon. Ano raw? Hon ba, 'ika nito? Sino ang tinatawag nitong Hon? Nanlaki ang mga mata ko at kaunti pang nanlisik. Parang may spring ang leeg na nilingon ko ang tinawag ng doktora na, 'Hon'. Ang anyo ko ay handa nang magdeklara ng panibagong gera. Tatatlo lang naman kami sa silid na ito, so, sino pa ang tatawagin nitong, Hon? Alangan namang ako? Si Dos ay napamulagat pa nang bagsakan nang nanlalaki at nanlilisik ko pa ring mga mata. Napitlag pa ito, at bahagyang napa-atras sa kinatatayuan. Kitang nahintakutan kaagad ang anyo. Mariin itong napalunok, at itinuro ang sarili. Pinaglapat ko naman ang mga labi ko,

