Chapter 83

4101 Words

SINO ANG LALAKING KASAMA MO? Ramdam ko kaagad ang pagkulo ng dugo ko nang mabasa ko ang mensahe na iyon galing kay Dos. Ang kapal ng mukha na magtanong pa ng ganoon?! Na para bang hindi nito ipinarinig sa akin na kasama niya si Charity, at kakain sila ng lunch, kasama pa ang anak ko?! Granted na hindi niya alam... still, isinama niya pa rin ang anak niya, kasama ang babaeng iyon, na para bang isa silang buo, at masayang pamilya. Ako? Paano ako? Saan ako lulugar? Kung hindi naman pala nito kayang iwanan si Charity, bakit pa ito muling lumapit sa akin, at nakipagbalikan? Tsk. Kung posible lang na mabutas ang screen ng cellphone ko habang nagtitipa ako ng sagot dito, ay baka iyon na nga ang nangyari. Tila ba doon ko ibinuhos ang lahat ng ngitngit na nararamdaman ko sa taong kausap ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD