"NO." Huminga ako ng malalim. "Love, intindihin mo rin kasi muna ang sinasabi ko. . ." Hindi pa man ako natatapos na magsalita ay pinutol na naman iyon kaagad ng mainit at matigas na pagtutol ni Dos. "I already said no, Angel. At hindi na iyon mababago, kahit na ikaw pa ang makiusap sa akin. Ano rin ang mahirap na intindihin doon?" Nilingon ko ito at pinanliitan ng mga mata. Ni hindi ko sinubukan na itago ang namumuo ko nang inis. Napapailing naman na nag-iwas ito ng tingin sa akin. Mula sa pagkakaupo sa tabi ko ay pabuntong-hininga na tumayo ang lalaki. Lumapit sa mini ref na naka-pwesto sa may hindi kalayuan, at saka naglabas ng isang bottled water mula roon. Matapos matanggalan ng takip, ay parang uhaw na uhaw na halos maubos nito ang laman ng bote sa isang tunggaan. Eversince nam

