"SORRY." Pero sa loob-loob ko ay hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. Kung sakali at maulit iyon, tiyak na gagawin ko pa rin ang ginawa ko. Hindi ako magda-dalawang isip. Dahil kaibigan ko si Arsi. At hindi ako makapapayag na mapahamak ito, kung may magagawa rin lang ako. Ganoon din naman ito sa akin. Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay pinatunayan nito na nakahanda siyang ipaglaban ako sa kahit na kanino na nais na mang-api sa akin. Na kakampi ko siya sa lahat ng laban na pinagdaanan ko. Mula pa lang noong una ko itong nakilala, at nagbubuntis pa lang ako kay Thirdy, hanggang sa kasalukuyan na pareho na kaming nagtuturo sa St. Mary's Academy. Kung minsan nga ay mas siya pa ang galit at nakikipag-away. Ni minsan ay hindi ako nito iniwan, o pinabayaan. Pagkakataon ko naman ngay

