PAGPASOK NAMIN ng tambayan ay parang dinaanan ng anghel, na bigla na namang tumahimik ang buong paligid. Sinalubong kami ng anim na pares na mga mata, na pare-parehong hindi malaman kung ngingiti, o magpapanggap na lamang na balewala sa mga ito ang aming pagbabalik. Si Coleen ang unang nakabawi. Alanganin itong ngumiti at kumaway sa akin. Alanganin din ang ngiting gumuhit sa mga labi ko. Ang mga kaibigan ni Dos, ay parang mga manikang de susi na awtomatikong nagsilapad ang mga ngiti sa mga labi. Halatang na-a-awkward sa nasasaksihang eksena namin ng kaibigan nila. Para tuloy bigla akong nahiya. Si Dos ay masungit pa rin na dinaanan lang ang mga ito, hawak pa rin ako ng mahigpit sa pulsuhan ko. Dere-deretso ito paakyat ng hagdanan, akay ako. Lalo akong nakaramdam ng hiya. Sa amin n

