"B-BAKS? ANO'NG--" Kunot na kunot ang noo ni Arsi nang magmulat ng mga mata at makita ako. Halatang hindi inaasahan na magigisnan ako nito sa loob mismo ng kanyang silid. Kahit kitang hirap na hirap ay nagpilit itong makabangon, kaya naman kaagad akong lumapit upang alalayan ito. "Kaya mo ba?" Kandangiwing tanong ko pa. Medyo may kabigatan kasi ito, dala na rin siguro ng nararamdamang panlalata at pamimigat ng katawan. Pero dahil kulang na lang ay ibuhos na nito ang buong lakas sa pagbangon ay hindi naman ako masyadong nahirapan. "Kaya ko naman. Nilalagnat lang naman ako, hindi naman ako pilay. Huwag ka nang mag-alala riyan at baka maire ka sa hirap, eh, dito ka pa manganak." Saway nito sa akin. Napansin marahil ang pagngiwi ko. Isang irap ang ibinigay ko rito. Umunat ako ng tayo. Pa

