Chapter 4

1629 Words
"AHHH...!" Damn it. Umangat ang isang kamay ko at mariing nilamutak ang nakahantad na dibdib ng aking kaniig, bago nagpakawala ng mas malalakas pang mga pag-ulos. Malapit na 'ko. "B-bakit ka ba, ohh, nagmamadali? Uhmp!" Halos tumitik na ang mga matang tanong nito, kasabay ng mga ungol at halinghing. Sinasabayan din nito mula sa ilalim ang bawat ulos na pinakakawalan ko sa ibabaw nito. Hindi ko ito sinagot. Sa halip, ay mas binilisan ko pa ang paglalabas-masok sa pagkabavae nito. Ang mga daliri ko sa kanyang dibdib ay halos bumaon na sa maputi nitong balat sa riin ng pagkakadakot ko roon. Halos magkanda-ngiwi-ngiwi naman ito dahil sa pinaghalong sarap at sakit ng ginagawa ko sa kanya. Gayon pa man ay hindi ito nagrereklamo. Bagkus ay mas lalo pang lumakas ang masasarap nitong mga pagdaing. Alin na lang sa dalawa, mas nasasarapan ito sa marahas na paraan ng pag-angkin ko sa kanya, o sanay na lang ito sa ganoong uri ng pakikipag-niig, mula sa akin. Ilang mabibilis na ulos pa ang pinakawalan ko. Literal naman na humihiyaw sa sarap at tumitirik ang mga mata ng babaeng nasa ilalim ko. Bago ko tuluyang pinakawalan ang sarili ko sa loob nito. "Urgh!" May suot naman akong rubber kaya wala iyong kaso. I always have my rubber with me, para sa mga ganitong pagkakataon. Mahirap nang magsisi sa bandang huli. Kung sa ibang pagkakataon ay ipapahinga ko pa muna sandali ang pagal kong katawan sa ibabaw nito. Ngunit dahil nga nagmamadali ako, pagkatapos kong labasan ay hinugot ko na kaagad ang pagkaIaIaki ko mula rito. Isang mahinang halinghing pa ang pinakawalan nito nang gawin ko iyon. Wala pa ring kahit na anong saplot na naglakad ako patungo sa CR upang maghugas ng katawan. Paglabas ko ay naroon pa rin ito at nakahiga sa ibabaw ng kama. Wala pa ring saplot, bagaman may kumot nang nakatabing sa hubad nitong katawan. "So, bakit ka nga nagmamadali?" Tanong nitong muli sa akin habang pinanonood akong magbihis. Sandali ko lang itong tiningnan. Dinampot ko ang hinubad kong maong at saka muling isinuot. "May tutorial schedule ako, in..." sandali ko pang binitin ang sinasabi ko. Sinilip ko ang relo kong pambisig na nakapatong sa nightstand. "...less than thirty minutes." Kagyat na nangunot ang noo ng babae. Bumakas ang gulat sa maganda nitong mukha. "You have what?!" Tumingin ako rito at saka ngumisi. "Dami mong tanong." Naisuot ko na ang tshirt ko. Dinampot ko ang hair brush nito na ipinatong nito kanina sa ibabaw ng nightstand, katabi ng relo ko at inihagod ng ilang ulit sa basa ko pang buhok. Nakamata pa rin ito sa akin. Ngayon ang unang araw ng suspension ko sa school. At kasabay niyon, ay ngayon din ang unang araw ng pag-tutor sa akin ni Isla. Na-check ko na ang schedule nito. Mamaya pang tanghali ang pasok nito, kaya napili ko ang ganitong oras para sa tutorial session namin. Dalawang oras lang naman iyon, kaya bago ang klase nito ay tapos na kami. Baka idaan ko na lang din ito sa campus mamaya, bago ako tuluyang umuwi ng bahay. Nakuha ko ang pangalan nito kay Monday, na napag-alaman ko na kaklase pala nito. Fling ni Asher, na isa naman sa mga barkada ko, ang babae. Magmula kasi nang huli kaming magkita sa rooftop, noon pang isang linggo ay hindi na ito muli pang nagawi roon. Ewan, siguro ay dahil nga hindi na ito namomroblema ngayon sa scholarship nito, kaya wala nang dahilan para magmukmok pa ito roon. Imbes na sa bahay namin, o sa school, dito ko siya sa tambayan pinapunta. Wala naman ding tao rito ng ganitong oras, dahil halos lahat ng tropa ko ay nasa kani-kanilang klase. Ang iba na wala, ay baka nasa mga bahay pa nila at natutulog. Si Charity, ang babaeng kani-kanina lang ay kaniig ko ay hindi ko alam kung bakit bigla na lamang sumulpot dito kaninang umaga. Lakas talaga ng pang-amoy nito. Grade ten ako nang makilala ko ito sa isang party ng isa sa mga common friends namin. Kaunting sayawan, kaunting inuman, pagkatapos ng party ay walang pag-aalinlangan na itong sumama sa akin dito sa tambayan. Wala namang usapan na kami, pero magmula noon ay hindi na ito humiwalay sa akin. Kahit sa campus ay palagi na itong nakadikit. Nakabakod, 'ika nga ni Dash, sa mga babaeng nagtatangkang lumapit sa akin. Katulad ko ay grade twelve na rin ito, ngunit mas bata ito sa akin ng isang taon. Repeater kasi ako ng grade eight. Umangat ang gilid ng labi ko, bago ko nilingon ang mga uniporme nitong nagkalat sa sahig. "Maligo ka na, at magbihis. May pasok ka pa ng alas diyes, 'di ba?" Pagkababa ko ng hair brush ay dinampot ko naman ang relo ko at saka isinuot. Nalukot ang ilong ng babae. Pagkatapos ay huminga ng malalim. "Tinatamad akong pumasok." Nakalabi pang anito. Natigilan ako at napatingin dito. Maya-maya ay marahang natawa. "Baliw. Pumasok ka na. Hindi ka na pwede rito. Maya-maya lang, darating na ang tutor ko." Hantarang pagtataboy ko pa rito. Mas lalo namang nalukot ang mukha nito. "Sino ba iyong tutor mo?" Nakalabi pang anito. Dinagdagan din ng ekstrang pungay ang mga mata. "Kilala ko ba?" Tss. Lihim akong napa-ismid. Sinasabi ko na nga ba. Hindi ito tinatamad pumasok. Ayaw lang ako nitong iwan dahil, katulad ng dati, ay balak na naman ako nitong bakuran mula sa tutor na sinasabi ko. "Hindi mo kilala." Napapailing ko pang matabang na sagot dito. I don't think naman talaga na kilala nito si Isla. Baka nga, ni hindi nito alam na nag-eexist ang huli sa campus. Bukod kasi sa grade eleven pa lang si Isla, malayo rin ito sa circle of friends ni Charity, na mga sikat at kilala sa campus. Pulos mayayaman kasi ang mga kaibigan nito. Hindi katulad ni Isla na utak ang ginagamit sa pag-aaral, ang mga ito ay pera at impluwensya. Nakukuha, at ibinibigay ng magulang ang lahat, maliban sa atensyon at pagmamahal. Dinampot ko ang cellphone at wallet ko saka humakbang nang papalabas ng silid. "Magbihis ka na, ha..." ulit ko na naman dito. "Pumasok ka. Wala ka namang gagawin dito kapag nag-umpisa na ang pag-tutor sa akin. Baka makagulo ka lang." Hindi ko na nakita pa ang naging reaksyon nito dahil hindi ko na ito pinagka-abalahan pang lingunin. Dere-deretso na akong lumabas ng silid. Nagtuloy ako sa kusina upang maghanap ng makakain. Hindi pa nga pala ako nag-aalmusal. Naghanda ako ng pagkain para sa dalawa. Baka kasi hindi pa rin kumakain si Isla pagdating nito. Ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko sa babaeng 'yon. Siguro ay naaawa lang ako rito dahil sa naging huling pag-uusap namin. Habang ako, heto at nakukuha ang lahat ng bagay na naisin ko, sa isang pitik lamang ng mga daliri, mayroon pala talagang mga tao na kahit gaano pa nila pilitin at paghirapan ay mistulang napakailap pa rin sa kanila ng, kung tutuusin ay napakasimple lang na bagay. Maya-maya lang ay natanaw ko na si Charity na pababa ng hagdanan. Bihis na ito at mukha na ring bagong paligo. Mayroong anim na silid sa itaas. Tig-iisa kaming magkakaibigan. Nag-ambag-ambag kami para mabili ang bahay na ito, na siya naming ginawang tambayan. May presyo, pero nakaya naman namin. Katulad ko ay mayayaman din ang mga magulang ng mga ito, kaya't balewala lang sa amin ang ganoong halaga. "Wow! Thanks, babe! Nag-abala ka pa ng breakfast." Abot hanggang tainga ang ngiti nito habang papalapit sa counter island na naghihiwalay sa sala at kusina. Akmang dadamputin nito ang isang sandwich na ginawa ko nang ilayo ko iyon mula rito. Awang ang mga labing nag-angat ito ng tingin sa akin. "Sabi mo, diet ka, 'di ba?" Napalitan ng pagsimangot ang kanina lang ay malapad na ngiti nito. "Eh, bakit dalawa ang inihanda mo?" Sinamaan pa ako nito ng tingin. "Huwag mong sabihin na ipinaghanda mo pa ng meryenda ang tutor mo?" Umangat ang isang kilay ko rito. "Eh, di hindi ko sasabihin." I told her and smiked. "Bye, babe. Close the door, when you leave." Hindi ko man derektang sabihin, alam ko na nakuha niya ang mensahe ng sinabi ko. Lalo tuloy hindi maipinta ang mukha nito dahil doon. Ilang sandali pang nakipagtagisan ito sa akin ng tingin, bago pairap na binawi iyon at nag-martya nang papalabas ng bahay. Hindi rin nito isinara ang pinto, katulad ng bilin ko. Sa halip, ay hinayaan nito iyong naka-abyerta, at walang lingon-likod nang sumakay sa sasakyan nito. Naroon sa loob ang driver nito at naghihintay dito. Huminga na lamang ako ng malalim at napailing. Sa totoo lang ay medyo nasasakal na ako rito. Wala naman kaming derektang relasyon, pero kung maka-asta palagi, daig pa ang possessive na girlfriend. Isa sa mga araw na ito ay dedertsahin ko na talaga ito, na ayaw ko na, at gusto ko nang makawala rito. Isa pang malalim na paghinga ang pinakawalan ko. Muli ko na lamang itinuon ang pansin ko sa inihanda kong almusal. Pinasadahan ko ng isa pang tingin iyon upang makita kung ano pa ang kulang. Nang makitang wala na ay naupo na ako sa high stool chair. Dinampot ko ang kape ko at sumimsim mula roon. Dahil nga hindi isinara ni Charity ang pintuan, tanaw ko na ang labas, mula sa kinauupuan ko. Makikita ko kaagad kung mayroong paparating. Sinilip ko ang relo kong pambisig. Lamang minuto na lang, bago mag-alas nueve. Maya-maya ay darating na ang hinihintay ko. Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang excitement na bigla kong naramdaman sa dibdib ko. Siguro ay dahil bago sa akin ang experience na ito. Sino ba naman kasi ang mag-aakal na sa edad kong ito ay saka pa ako makaka-isip na kumuha ng tutor? Tiyak na kapag nalaman ito ng barkada ay katakot-takot na kantyaw ang aabutin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD