Lakad na mabilis lang ang ginawa namin lalo at pareho kaming di sanay sa lakaran. Baka mabilis kaming mapagod at hingalin kinakailangan na i save namin yung lakas para kung may humabol e may energy pa sila upang makatakbo lalo at may kalayuan sa cottage ang kinaroroonan ng pump boat. "Di natin to pupwedeng paandarin dito at baka marinig nila!" mariin subalit pabulong na sabi ni Dria sa kanya. "May sagwan naman yata yan." sabi ko na inaayos ang belt bag na kung saan nandun ang plastik ng mga damit at pera. "Ito may dalawa rito, sige tulongan mo akong itulak. Kailangan na maipalutang natin to sa medyo mataas na bahagi." medyo mataas ang tubig high tide siguro kaya naman ay di na nila kailangan na buhatin pa na malayo. Medyo pawisan na sila ng magawang nilang makasakay. Wala silang nakita

