Nang matapos ang agahan ay nagyaya na maligo sa pool ang mga bata. Lahat kami ay napilitang maligo sa pool lalo at ang kulit ni Dove. "Mommy come here!" yaya ni Dove sa akin. Karga karga ito ni Dustin habang nasa malalim na bahagi ng Pool tiwala naman siya na di nito pababayaan ang mga anak. "Di ako marunong lumangoy anak." sabi ko dito, which is true. Isa yun sa naging dahilan upang umatras siya sa pangarap niyang maging flight attendant at makontento nalang sa hotel management. Ayon kasi sa proof nila, required na marunong lumangoy pag flight attendant or flight stewardess ang kurso. "Come on Daddy teach Mommy." buyo nito sa ama. Agad naman nitong ibinaba ang anak sa mababaw na bahagi, nang matanto ang binabalak nito ay nagtangka pa siyang lumayo ngunit mabilis na nakalapit ang lala

