Nagising siya na tila sinusuklay ang buhok niya kaya naman ay dahan dahan siyang dumilat nabungaran niya si Dustin na titig na titig sa kanya. Mukhang kanina pa ito gising at kanina pa tumititig sa kanya. Kumusta naman kaya ang mga muta niya at ang mala dinaanan ng ipo ipo niyang buhok. Malamang e di masikmura ang amoy ng hininga niya kakahiya. "Ahm a-nong ginagawa mo?"nauutal kung tanong dito. Bahagya kung tinakpan ang aking bunganga mahirap na baka mahimatay ito sa amoy. "Tinititigan ka, bakit bawal ba? ang ganda ganda mo din pala sa umaga, akala ko sa gabi lang." nakangiti nitong sabi. Kinindatan pa siya nito. "Tsee bolero kanina ka pa ba gising?" tanong ko dito, di ako makatingin ng maayos dito panu pala kung tumulo ang laway ko? yayks kadiri. Tapos ang memory pa ng pinagsaluhan nil

