Kabanata 40: "Calm down." Natatawang wika ni Babi habang sinisipat-sipat ang mga gamit sa kwarto kung nasaan kami habang ako naman ay palakad-lakad na. Katulad nga ng sinabi ni Godwin ay binigyan kami ng kwarto ni Mama saka kami iniwan na. "Do you know what we are doing?" tanong ko sa kaniya. "Of course," mabilis na sagot niya. "Maganda 'yong bahay ah," puna pa niya. Napailing ako saka tinawagan si Yuan. Wala pang tatlong ring ay sumagot na siya. "Hel—" Napangiwi ako nang hindi man lang ako pinatapos ni Yuan. "At marunong ka pa palang gumamit ng cellphone no? Ash. Kanina pa kami tawag nang tawag. Umalis ka ng umaga tapos ngayon gabi wala ka pa rin alam mo ba kung anong oras na at—" Baron chuckled. "Daldal." Nanlaki ang aking mata bago lumayo sa kaniya. "Hoy! Ash sino 'yon ha? Hi

