Kabanata 27 Matalim ang tingin ko sa likod ni Axle habang nasa tindahan kami ng mga halaman, inilalagay na sa likod ng mini truck ang mga bonsai. "Mabuti't napasyal ka Ax, kamusta 'yong binili mong Calathea? Buhay pa?" ani ng matandang lalaki. "Nasa Pampanga po, Mom liked it so much." Napatitig ako sa likod niya. Sinong Mom? My Mommy? Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang lingunin niya ako. I missed my Mom so much, narinig ko pa lang ang pangalan niya ay sobra ng kabog ng dibdib ko. Ang totoo ay hindi na ako galit, siguro nuong una dahil pakiramdam ko'y mas pinili niya ang lalaki niya kaysa sa akin. Pinatawad ko na siya roon pero masakit pa rin, pero gusto pa rin siya makita. I want to hug her. Naaalala niya kaya ako? Iniisip man lang ba? Naglakad-lakad ako para magtingin-tingin ng

