Hello, flood update tayo. Oh 'di ba nalilito na kayo, ako rin. Hahaha. Enjoy reading! Kabanata 19: Slight Matured Content NANG magising ako kinabukasan ay wala na si Kuya Axle sa tabi ko. Kagaya nga ng sinabi niya ay sinamahan niya akong matulog, tulog lang. Noong una ay akala ko'y mahihirapan ako makatulog dahil katabi siya pero dahil kampante akong nandoon siya at walang mangyayare ay kaagad akong dinalaw ng antok. Habang naliligo ay hindi ko maiwasan maisip ang sinabi ni Tito Ryan kagabi. I know, Axle can't do that. But why would his father told me those things? Bakit niya sinisiraan si Axle sa akin? Mabilis akong nagbihis ng pangbahay para makababa na. Sandali akong napatitig sa aking phone na nasa ibabaw ng kama bago iyon kinuha. Hindi ko alam pero binuksan ko ang messenger ko p

