Kabanata 10: Hinila ako ni Kuya Axle papasok sa gusaling iyon, bawat hakbang namin ay bumibigat ang aking paghinga. Bumaba ang aking tingin sa kamay namin magkasaklob, masiyadong malalaki ang kaniyang mga hakbang animong nagmamadali. Kinausap niya sandali ang lalaking nasa front desk, bahagya akong humilig sa kaniyang balikat habang nakikipag-usap dahil napipikit na ang aking mga mata. Hinimas niya ang pisngi ko habang may sinasabi sa lalaking kakilala ata niya. "Baby come on. We have a room." He whispered. Tumango ako at nagpahila sa kaniya, lumilipad na ang isip ko sa kung anong puwedeng gawin namin sa loob. Nang makatapat kami sa isang kwarto ay inabot sa kaniya ng lalaki ang isang susi. "Ax, ito 'yong special room namin." Nakita ko kung paano niya ako hagurin ng tingin, sa isip k

