4

3740 Words
I am currently alone in our dining table munching on my favorite cereal nang narinig kong may pababa ng hagdan kaya lumingon ako doon at nakita sina Mama at Papa na pababa. Jeez. Umagang umaga pero nasobrahan na silang dalawa sa asukal. Paano ba naman kasi, ang kitid na nga ng space ng hagdan namin pero pinipilit pa rin nilang sabay na bumaba tapos nakaakbay pa si Papa kay Mama.  “Good morning,” Papa greeted me with a smile and kissed my forehead bago hinila ang upuan para kay Mama. Malapad naman akong napangisi nang napagtanto ko ang nangyari. Papa is doing his Morning routine of greeting me and kissing my forehead means bati na kaming dalawa. Halos dalawang linggo din kaya niya akong hindi pinansin dahil sa aksidenteng pagsira ko sa shelf ng library, pagkatapos binawasan pa ang baon ko ng 100 araw-araw! Namulubi tuloy ako! Muntik akong mabulunan nang malingunan ko si Jj na kabababa lang ng hagdan at mukhang sabog pa dahil kakagising lang. Nakasunod lang ang tingin naming tatlo sa kaniya nang wala sa sariling umupo siya sa pwesto niya sa mesa at sinubo ang kutsara kahit wala namang laman ang pinggan niya. "What the-" hindi ko na natuloy ang akmang sasabihin ko nang sunod-sunod akong napaubo dahil tuluyan akong nabulunan. Natatawang inabot sa akin ni Mama ang tissue nang may lumabas pa na gatas sa ilong ko.  'Putcha! Ang sakit ng ilong ko!' naiiyak na reklamo ko sa isip habang pinupunasan ang ilong ko. Doon ko lang napansin si Jj na tuluyan nang nagising at takang nakatingin sa akin.  "Okay ka lang ba ate? Ba't ang pula mo?" inosenteng tanong niya na mas lalong ikinatawa nina Mama at Papa. Nangati naman akong sagutin siya ng pabalang pero wala naman akong planong mag-tricycle papuntang school kaya pilit ang ngiting sinagot ko siya ng "Wala. Naubo lang" at binalik ang atensyon sa pagkain.  I sighed in shame nang ilang minuto na ang lumipas ay tawa pa rin ng tawa sina Mama at Papa. Sige na lang ano? At least happy sila.  Naalala ko na naman tuloy noong first day ni Jj as Elementary student. Kailangan kasi namin siyang gisingin ng mas maaga dahil meron na siyang pasok at 8 a.m. Eh hindi pa siya sanay non pero walang angal naman siyang bumangon at naghanda for school. Nagtaka kaming lahat kasi kumakain kami non ng breakfast tapos siya nakahawak lang sa kutsara niya. Nasa ganoong posisyon lang siya hanggang sa matapos kaming lahat kumain, ang ending nakapikit pala siya at tulog na tulog habang nakayuko. Pfft! Mariin akong napakagat ng bibig para pigilan ang sarili kong mapabunghalit ng tawa nang naalala ko na naman 'yon. Grabe ang epic lang talaga ng kapatid ko. “Hatid ko na kayo ni Jj, Lilith,” basag ni Papa sa ilang minutong katahimikan nang malapit na kaming matapos kumain.  I took the last spoon full of cereal into my mouth at nag-thumbs up kay Papa bago mabilis na niligpit ang kinainan namin at dinala iyon sa kusina.  "Ako na bahala diyan," pigil sa akin ni Mama nang akmang huhugasan ko pa sana iyon.  Umakyat na ako sa kwarto at nagmamadaling tinapon sa loob ng bag ko ang lahat nang nakita kong posibleng gagamitin ko ngayon sa school. Isasarado ko na sana ang laptop ko nang maisipan kong i-check muna ang dummy account ko sa f******k.  Active 3 hours ago  I read on Gay's chat head.  Inumaga na naman kami kanina while simply chatting. Medyo mapait pa nga ang mata ko dahil sobrang kulang ng tulog ko.  'But it was worth it. Isn't it?' I smiled to myself while feeling the tingling of my heart when I remembered how wide I was smiling the whole time we were chatting. Mahina akong napatampal ng noo para gisingin ang sarili ko mula sa pagday-dreaming and finally closed my laptop.  "Hala!" natatarantang sinukbit ko ang bag ko sa balikat at lumabas na ng kwarto nang marinig ko ang sasakyan na paalis. Si Papa talaga! Pinagti-tripan na naman ako! Palagi niya kasi akong tinutukso na iiwan kapag bigla na lang siyag mainip kakahintay sa akin na matapos.  "Bye, Ma! Alis na po kami!" paalam ko kay Mama nang nakasalubong ko siya sa daan pababa ng hagdan. Hindi nga ako nagkamali dahil kalahati lang naman ng sasakyan namin ang nasa labas ng gate.  "Heto na!" sigaw ko nang isang beses pang bumusina si Papa.  The drive to school was smooth. Thankfully walang traffic dahil nagre-route na ang flow ng sasakyan which is a good thing for students like me na ayaw sa atensyong nakukuha ng school namin dahil sa mga elite students na enrolled.  Usually kasi kung hindi ako hinahatid ni Papa ay nahihirapan ako sa byahe papuntang school dahil kailangan ko pang mag-abang ng tricycle or shuttle ng subdivision namin para makalabas. Kung wala edi walkaton ang peg naten. Dagdag pa ang traffic na dulot ng ilang paparazzi na nakatambay lang ang sasakyan sa labas ng school.  “Thanks, Pa.” I kissed Papa’s cheek and was about to bid goodbye to my sibling Jj nang nakita kong tulog na tulog siya sa likod ng sasakyan. Hindi manlang alintana ang nakakahilong takbo-preno ng sasakyan.  'Bakit pakiramdam ko mas puyat pa kapatid ko kesa sa akin?' takang tanong ko sa isip but I shrugged it off and finally went out of the car. I took a last wave at Papa. Agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang malakas niya ulit akong binusinahan dahilan para mapaigtad ako.  I took a quick glimpse at my wristwatch habang naglalakad papasok at nakita na it’s almost 7:25 am. 5 more minutes before class? Not bad.  I was struck on my ground when I felt my foot step on to something. Agad na nanlaki ang mga mata ko when I looked past my watch at nakita ang isang paa na nakasuot ng heels ang nasa ilalim ng paa ko. Hindi ko talaga napansin na may nakasalubong pala ako kasi nakayuko ako sa relo ko.  Dahan-dahan akong nagtaas ng tingin and saw a girl fuming mad at me. I immediately stepped back and looked down. “I’m really sorry, hindi ko sinasadya,” hinging paumanhin ko.  “Hindi sinasadya?" taas kilay na sabi niya at pinaningkitan ako ng mata. Dahan-dahan akong napaatras nang nilapit niya ang sarili sa akin  "You’re a dumb b***h na hindi tumitingin sa dinadaanan mo!” she shouted angrily right on my face. Napapapikit pa ako nang dinuro niya ako.   Mahigpit akong napahawak sa palda ko nang maramdaman ko ang ilang pares ng mga matang lusot kaluluwa kung makatingin sa amin. We are the center of attention now. Sa lakas ba naman ng sigaw niya for sure kahit na sino ay mapapatigil at mapapatingin talaga.  I bit my lip and looked the other way when I saw Gray from the corner of my eyes passed by us. It's not like may pakealam siya sa nangyayari nor sa akin. Ni hindi nga niya kami tinapunan ng tingin at deretso lang sa paglalakad. Pero kahit na. Nakakahiya kung makita niya.  "I'm sorry talaga Miss. Pwede bang bayaran ko na lang?" I said without thinking.  'Nyeta ka Lilith. Parang kailan lang na may nasira kang bookshelf tapos heto na naman ngayon' saway ko sa sarili. Na i-imagine ko na talaga ang lukot na itsura ni Papa kung maririnig lang niya ang sinabi ko bago lang.  'Mabuti na lang at wala siya dito' Hayy buhay! Gusto ko na lang talagang maging daga.  The girl acted like she was shocked with what I said at madramang napahawak pa sa dibdib. “You? Paying for this?" She said in a mocking tone. Nagulat ako nang bigla niya na lamang akong dinuro sa pangalawang pagkakataon at dinutdot ang noo ko. "I bet my heels is more expensive than your family's monthly income," pang-iinsulto niya.  My breathing becae heavier along with my heart beating faster as the feeling of anger started to rise inside me. Hindi ako ang tipo ng taong mabilis magalit or pumapatol sa mga taong kagaya niya pero ibang usapan na kung pati ang pamilya ko ay pinasok. My lips parted and I was about to say something when I heard someone spoke from the back. “That is fake. Why even bother?” biglang nahawi ang mga estudyante sa gitna and a very elegant and beautiful woman came into everyone’s view. I gasped when I realized kung sino siya.  Eliza Blanc. Daughter of one of the biggest clothing line locally and internationally. She is considered the most iconic student in our school dahil magaling itong pumorma. Her daily outfit of the day ay isa sa mga inaabangan ng bawat kababaihan sa school which inspires them to wear the same outfit the following day. She is tall and slender which makes every outfit look good on her. Kahit naman siguro sako ipasuot mo sa kaniya at maganda pa rin tignan basta siya ang nakasuot. Aside from the former praises I said about her. She's not only beautiful and all pero sobrang talino din. She's the top 2 student next to Gray in overall ranking of the entire student body. PLUS! Siya din palagi ang pambato namin sa mga beauty pageants versus other schools! Kembot pa lang tapos na ang contest! I blinked many times when she looked at me and smiled pagkatapos ay inalis ang suot niyang sunglasses at tiningnan ang babaeng kaharap ko mula ulo hanggang paa.  “W-what are you looking at?” napakunot ang noo ako nang marinig na nautal ang kaharap ko kaya nilingon ko siya at nakitang mukha siyang natataranta at hindi makatingin ng deretso. Para siyang nag-marathon sa tagaktak na pawis niya na umiinggat pa sa noo at leeg niya.  My lips formed a huge 'O' when I realized what is happening. Hindi lang ako kundi maging ang mga students na nakikichismis.  'Oh my, looks like someone is exposed' “Oh come on. Stop pretending hon. Obviously, everyone here knows that it is not a real jimmy choo,” she said expressively and looked at the woman like she pity her. Napatingin ako sa paligid at nakitang lahat sila ay nagbubulungan habang nakatingin sa sapatos ng babaeng kaharap ko. May ilan pang tinuturo 'yon. She frantically looked around and realized the trouble she’s in. . Kung kanina lang ay akala mo kung sino siyang anak ng presidente kung makaasta. Ngayon naman ay para siyang hihimatayin sa kahihiyan.  “Argh,” she shrieked at padabog na umalis.  "Aray!" angal ko nang may pahabol pang bangga sa balikat ko ang bruha. "What the hell?" Eliza reacted and was about to come after the girl nang mabilis kong hinawakan ang braso niya.  "Sorry," hinging paumahin ko at inayos ang suot kong salamin nang lingunin niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya. "Thank you" I sincerely muttered under my breath while trying my best to not stutter in front of her. Grabe. Ibang-iba talaga ang dating niya. Nakaka-intimidate. Nakakapanliit ng sarili kung siya ang kaharap at kausap mo.  Her lips formed a smile at nakita ko ang nakakasilaw na pares ng mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. “No problem. I’m Eliza, you are?” natigilan  ako when she extended her hand to me.  “I-ugh, L-lilith,” nahihiyang sabi ko at pinunasan muna ang kamay ko dahil namamawis iyon bago tinanggap ang kamay niyang nakalahad for a handshake.  'Grabe ang lambot ng kamay! Prinsesa siguro 'to sa bahay!' Isip ko nang tuluyang magdaop ang mga kamay namin. Hindi ko tuloy maiwasang mapansin ang mga daliri niyang mahaba tapos ang linis pa. “Well Lilith, looks like late na tayong dalawa,” nanlalaki ang matang nagtaas ako ng tingin at ilang segundo pa kaming nagkatinginan bago sabay na tumakbo. Jusme! Ngayon ko lang napansin na nakaalis na pala ang mga students na nakichismis sa amin kanina at kaming dalawa na lang ang natira.  “Where’s your class?” she asked while we are both running. “SJ building. Ikaw?!” Habol ang hiningang sagot ko.  “Same!” napapasunod ng tingin ang mga estudyante sa aming dalawa pero pareho kaming wala pakialam dahil late na talaga kami. Infairness kay Eliza kahit nakapumps siya ang bilis pa rin niyang tumakbo at may poise pa. Kung ako siguro sa sitwasyon niya ay mukha akong abnormal titan sa Attack on Titan kung tumakbo. “Dito na ako! Babye!” she annuonced. I waved goodbye at her and she waved back at tuluyan nang pumasok na sa room na nasa katabi lang ng sa akin.  Natigilan ako nang masilip ko ang laman ng classroom namin at nakitang halos lahat ay nakatingin sa akin kasama na ang professor namin na mukhang nagulat nang makita ako. “Good Morning Ms. I'm very sorry  I am late. May I come in?” hapong sabi ko at matigas na napalunok ng laway dahil sa hangin na nakain ko habang tumatakbo. She’s a really nice professor pero pinaka ayaw talaga niya sa lahat ay ang ma-late sa class niya. She’s our teacher in art appreciation which is thankfully not a major subject pero part ng curriculum namin. Tumikhim siya at umiwas ng tingin. “3 minutes pa lang naman. Come in.”  Hindi lang ako kundi maging ang mga kaklase ko ay nagulat sa pagpayag niya. Usually kasi ay hihingian niya muna ng excuse letter ang student. Kung valid ang reason ay makakapasok pero kung hindi, edi mamumuti ang mata mo kakahintay matapos ang subject niya.  "Thank you Ms!" masayang sabi ko at tuluyan nang pumasok. Muntik pa akong mapa-hairflip sa mga kaklase kong nakasunod ang tingin sa akin habang naglalakad ako papunta sa upuan ko.  “Bakit mukha kayong nagulat nang pumasok akong late? As if naman na bago iyon?” bulong ko gamit ang kalahating bibig kay Athia habang kunyari ay nakikinig ko. “Well. Paano ba naman. Ang lakas-lakas ng tunog ng takbo niyo. Kinabahan nga ako para sa sahig. Baka masira dahil sa bigat mo."  Kung mabilis kong nilingo si Athia para tignan siya ng masama ay mas mabilis naman siyang sampalin ang pisngi ko nang hindi ako nililingon para tumingin ulit ako sa harap.   "Wag kang lumingon. Gaga," mahina akong natawa nang marinig ang malutong niyang mura na dinagdagan pa niya ng. "Pahamak ang peste." "Anyway,  I didn’t know you are friends with Eliza,” hindi ko inaasahang banggit niya. Sabagay, kahit hindi naman nila nakita kung sino ang kausap ko ay sa boses pa lang alam na nila.  I shrugged “She saved me,” tipid na sagot ko and took out my laptop and opened it pero agad ko ding sinarado nang makitang hindi pa pala na-logout ang dummy account ko sa f******k at naka full brightness pa iyon sa timeline ni Gray.  Pasimpleng nilingon ko ang mga kaklase kong nakapwesto sa likod para tignan ang reaction nila pero mukhang masyado silang busy sa pagte-text at chismis para mapasin 'yon.  Seriously? Parang sacrificial lamb talaga kami para sa kasiyahan ng mga kaklase naming nasa likod dahil kami parating mga nakaupo sa harap ang nakikita at pinapa-recite ng prof.  ‘Aight. Magsusulat na lang muna ako sa notebook’ sabi ko sa sarili at nilabas ang notebook at ballpen ko.  Athia gave me a weird look. Na-weridan siguro dahil sobrang tamad akong magsulat pero ngayon ay magsusulat ako.  I mouthed ‘lowbatt’ at her para hindi na siya mag suspetsa. Hours passed and we are now almost done with our minor subject. We still have a last subject this Morning which is discussion time with our adviser. Yun yung oras kung saan nagbibigay ng weekly updates or report ang adviser namin regarding our behaviour, class standing or any announcement regarding sa events ng school. Since adviser naman namin ang professor ngayong subject ay diretso na kami sa discussion time.  “So class.We all know that 2 weeks from now is our tour to Korea and in preparation, the faculty needs time to arrange all the requirements needed so that we will all have a smooth travel,” nagkatinginan kaming dalawa ni Athia and I knew immediately that we are thinking of the same thing.  KOREA MEANS A LOT OF OPPA!!!!!! Malayo pa naman pero I can’t help but feel ecstatic. It's one of my dream countries and that is because of the Oppa’s that I love. I sound cringy right? Pero isa ako sa mga namulat sa mundo ng K-drama na pati sa panaginip ay walang ligtas ang mga male lead ng series. Minsan napapaisip nga ako kung baliw na ba ako dahil palagi ko talagang napapanaginipan ang mga pinapanood ko pero nung nalaman ko na pati si Athia ay ganoon din ay na-realize ko na normal lang iyon.  But aside from that, I really can’t wait to try their foods!  “So we decided that classes will be shortened so you have more time to work on your output which will be submitted on Friday before our scheduled leave. The task will be posted on our online learning system since we are still finalizing so please check your accounts from time to time. Your assigned groups will also be posted there. That is all. Is there any more questions? Comments? Reactions?" mahabang litanya ng Professor namin.  The room remained silent and obviously kahit may tanong ang iba ay nanahimik na lang dahil gutom na ang lahat. Its past 12 noon and meron pa kaming klase at 1 pm. For sure kahit importante ang tanong ng iba ay ipapaliban na lang dahil iniisip na ang haba ng pila sa cafeteria.  “Okay. If there is no more question, let’s call it a day. Goodbye class,” dahil naligpit na namin ni Athia ang gamit namin at suot na namin ang kaniya-kaniyang bag ay agad kaming nagkarera palabas ng room nang tuluyang makalabas ang Professor namin.  Nagtulakan pa kami para makaunang makalabas ng room. We have a once a week deal kasi na kung sino ang mauunang pumila sa cafeteria ay ililibre ng nahuli. Well duh, wala akong planong manlibre ngayon no! Kakabangon ko lang mula sa paghihirap tapos manlilibre ako?! No way! “Ano ba. Nauna ako,” asar na sabi ko habang pinipilit na makalabas. “Nauna ako! tabi ka diyan,” ayaw namang paawat na bwelta ni Athia at siniko pa ako. Narinig ko naman ang sabay-sabay na buntong hininga ng mga kaklase namin sa likod sounding as if saying "heto na naman." Natigilan kaming dalawa nang makita ang pamilyar na pares ng paa na nakasuot ng pumps sa harap.  “Hi Lilith,” nagtaas ako ng tingin at nakita si Eliza na malawak ang pagkakangiti sa harap ko. Maging si Athia ay natigilan din at napatitig kay Eliza. Ginamit ko naman ang pagkakataon na iyon para gumanti sa kaniya at siniko siya ng mahina. Hindi naman ako nabigo dahil napaatras siya ng konti dahilan para mauna akong makalabas. “U-uy Eliza.Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Natigilan ako nang bigla niyang inangkla ang braso niya sa akin at tumabi pa sa akin na parang matagal na kaming magkaibigan.  “Let’s eat lunch!” masayang yaya niya sakin at akmang hihilahin ako nang tumikhim ng malakas si Athia sa gilid. She looked Eliza from head to toe at tinaasan ng kilay pagkatapos ay inagaw ang braso ko kay Eliza. “Kami ang magkasama,” malamig na sabi niya at tiningnan ng diretso si Eliza. Eliza looked puzzled and muttered ‘Oh’. I suddenly felt bad when she looked and sound sad but her face lit up immediately at inangkla ang magkabilang braso niya sa amin ni Athia na mukhang nagulat. “Sama ako,” masayang sabi niya at hinila kami. Walang choice na napasunod na lamang kaming dalawa sa kaniya.  “Bakit ka nga pala sa amin sumama?” Athia bluntly asked habang kumakain kaming tatlo sa cafeteria. Nanlaki ang mata ko at mahina siyang sinipa sa ilalim ng mesa pero inismiran niya lang ako at hindi na ulit ako tinapunan ng tingin. Hindi ko naman maiwasang mailang dahil napapatingin sa amin ang mga students na napapadaan. Naninibago siguro na makita si Eliza na kasama kaming dalawa ni Athia dahil most of the time ay mga kagaya niyang sikat, mayaman at magandang mga babae ang kasama niya. In short, mga ka-level niya. Eliza smiled a little but her eyes speaks otherwise. I don’t know why but she seems so sad. “People always see me as someone perfect,” mahinang sabi niya habang pinaglalaruan ang pagkain.  “Well you are!” puno ang bibig na tugon ni Athia. May ilang butil pa na tumalsik mula sa bibig niya. "Sorry," tipid na sabi niya nang mapansin iyon sabay pinulot ng mga butil na tumalsik.  Matunog naman akong napatampal ng mukha at hindi makatingin ng deretso kay Eliza dahil sa kahihiyan sa pag-uugali ng babaeng 'to.  Eliza smiled. Looking as if amused by what she saw. “But I’m not. I’m tired of people using me to their advantage,” she sighed. Natigilan naman si Athia sa paglamon and from the look of it, she seems guilty.  I looked at Eliza and realized na she may be someone thought of close to perfect, pero hindi ko naisip if how is she doing. Being all these. We were too occupied by her performance and her outer expression of always smiling na hindi ko manlang naisip na ‘is she really happy?’ Narinig kong tumikhim si Athia sa tabi ko at nilapit ang leche flan na binili niya kay Eliza. “Gusto mo?” nahihiyang tanong niya at napakamot ng leeg. I can't help but smile. Knowing Athia? She doesn’t share her foods. Lalong-lalo na ang leche flan dahil iyan ang favorite niya. But seeing her offering it to someone else?  I smiled in awe while admiring how adorable they look. Feeling ko tuloy para akong Nanay na nanonood sa dalawang anak niyang magkabati.  Eliza looked surprised but smiled genuinely and happily took a huge portion sa leche flan habang si Athia naman ay natigilan na lamang at napanganga sa laki ng kinuha ni Eliza. Mukha tuloy siyang pinagbagsakan lalong-lalo na nang walang pagdadalawang isip iyong sinubo ni Eliza.  "Thank you!" malapad ang ngiting sabi ni Eliza habang si Athia naman ay mabigat sa loob na napatango na lang.  - - ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD