2

3270 Words
I’m currently in the middle of a lecture class when I felt my phone beeped. I smiled at pasimple ko iyong kinapa habang diretso pa rin ang tingin sa professor namin na tila walang pakialam kung may nakikinig ba sa kanya dahil salita lang siya ng salita, ako lang yata ang tanging nakikinig sa kaniya.  I immediately got the familiar feeling I always get when I saw his name registered on the screen of my phone. I unlocked my phone screen and read his message.  I’m bored. Received 12:32 PM Pasimple akong napatingin sa paligid making sure that no one will caught me. Obviously, siguradong walang makakahuli sa akin dahil karamihan naman sa kanila ay tulog. Jusme may nag to-tongits competition pa nga sa likod. 'Just a glimpse,' I thought to myself. My heart immediately raced in excitement with the mere thought of having a chance to look at his beautiful face. I slowly stretched my arms and back kasabay nang pasimpleng paglingon ko sa likurang banda ng classroom. And there he is in his usual poker face expression. His face screams danger, the kind of danger every damn woman would want to be involved in. He has this thick brows that lays perfectly above his gray eyes. Never in my entire life I expected to meet someone who as gorgeous at him. Kung titignan mo siya ay mapapaisip ka talaga na para siyang hinulma mula sa isang romantic novel. I grinned when I noticed that he is hiding his phone in between his book habang nagkukunwaring nagbabasa. Syempre kinikilig na naman si Ate niyo. Sa dami ng nangangarap na makausap siya, ako pa talaga ang tanging ka-text niya sa mismong oras na ito. Agad kong binalik sa harap ang tingin ko nang mapansin na napapatagal na ang paglingon ko sa kaniya. Mahirap na at baka ma huli pa ako.   Huy, makinig ka sa class mo. Sent 12:38 PM It's just a matter of seconds when my phone beeped again. 'Wow speed.'   No need.  Received 12:38 PM I rolled my eyes when I read his message. Typical Gray, always the hambog but may ipagmamalaki naman because he walk his talk. He is the top 1 of our department and in terms of the overall standing in the whole university. His average is also the highest making him a candidate for most of the latin honors when we will graduate. Not only that, he also excels in sports. He is the team captain of the basketball team and is also one of the fastest swimmers in swimming.  Oh diba? Legit na kinuha talaga ang buong pagkatao niya sa romantic novel. Mabuti na lang dahil sa school namin ay prim and proper ang mga students kaya hindi masyadong nagre-react kung nandiyan siya pero ang mga kababaihan sa ibang school?  Napailing ako nang maalala ang isang beses na meron silang friendly game kalaban ang isang university sa basketball. Dahil sa kabilang university ang venue ng game ay dinumog ng mga babae mula sa iba't ibang school ang game nila. Hindi kasi basta na lang makakapasok ang kahit na sino dito sa school namin kaya everyone took that moment as an opportunity to see him in person and watch him play. Pagkatapos non ay hindi na ulit sila naglaro sa labas ng university. Dinumog kasi si Gray at umuwing may galos at kalmot.  'Kawawa naman ang bebe ko.'  “Ms. Estorga!” Bigla akong napapitlag sa kinauupuan ko nang bigla na lamang dumagundong ang boses ng professor namin sa buong classroom and worst, pangalan ko pa talaga ang tinawag.  Pasimple kong tinago ang phone ko sa gilid hanggang matabunan iyon ng palda ko. “P-po,” hindi ko sinasadya pero nautal ako sa kaba dahil nanlalaki ang singkit na mata ng Professor namin na deretso ngayon ang tingin sakin.  “Answer the question in front," ngayon ay mahinahon na niyang sabi pero mahihimigan ko pa rin ang pagkairita sa boses niya. Agad akong napakagat ng labi nang mabasa ko ang question sa Powerpoint Presentation na naka-project dahil hindi ko alam ang sagot doon. Tarantang nilingon ko ang kaibigan kong si Athia pero iling lang rin ang sagot nito sakin.  Napaingos ako nang mapansing gising na ang lahat ng kaklase ko na ngayon ay nagkukunwaring nagbabasa or di kaya nakikinig kay Sir. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong sacrificial lamb na kailangan i-offer in exchange ng pakikinig ng mga kaklase ko.  Napakamot ako ng batok dahil sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon. Pakiramdam ko ay na hot seat ako bigla. “I’m sorry sir but I do not know the answer,” I confessed.  Alangan naman na magmarunong ako kahit hindi ko naman talaga alam ang sagot. Edi mas napahiya ako kung ganoon.  Narinig ko naman ang pagngisi ng professor namin. “Next time, make sure first you understand my lesson before you start gawking at Mr. Salvatore”  'Oh no!' Agad na namawis ang buong katawan ko lalong-lalo na ang singit at kilikili ko nang marinig kong binanggit ng Professor namin ang pangalan niya.  Everyone let out a soft “ohhh” whisper at nilingon si Gray na walang pakialam sa paligid pero natigilan ng mapansing nakatingin ang lahat sa kanya. “What?” malamig na sabi niya habang nakakunot noo.  Everyone immediately looked away, probably intimidated by him. Lahat naman yata ay takot sa kaniya. Matalim kasi ang dila.  Parang sinuntok naman ang sikmura ko nang tinapunan niya ako ng tingin. His eyes piercing through my soul and I can’t help but get drawn. Everyone is so afraid of him and aloof except me. Everything he does draws me even more attracted to him and before I knew it. I already buried myself deep enough and I can’t climb back up.  He looked away at doon ko lang pinakawalan ang hininga kong kanina ko pa pala pinipigilan. Hapong napaupo ako sa upuan ko at napahawak sa dibdib ko.  'That was the longest time he looked at me' I smiled while replaying the scene in my mind. “DID I GAVE YOU THE PERMISSION TO SIT DOWN MS. ESTORGA?!” Agad akong napatayo ulit nang bigla na namang sumigaw ang Professor namin. Oh s**t, I totally forgot about him. Nakita ko naman mula sa gilid ng mga mata ko si Athia na napatampal na lamang ng noo. For sure alam na niya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Siya lang naman kasi ang nakaka-alam sa lihim kong pagnanasa- este pagkagusto kay Gray.  - “Aray!” Malakas akong napahiyaw nang bigla nalamang akong batukan ni Athia sabay upo sa mesa ng upuan ko.  “Oh gosh dude, that was epic. Sobrang nakakahiya ka kanina,” sabi niya sabay tawa ng malakas. Napatingin naman sa direksyon namin ang iilan naming kaklase dahil sa weird na tawa niya. Alam niyo yun? yung tawang parang sinisinok na sinasakal? Yun yung tawa niya eh. Weird diba? “Thanks ha?” sarcastic na sabi ko sa kaniya sabay fake smile at tinulak siya paalis ng table ko dahil inupuan niya ang mga libro ko.  She grinned at inakbayan ako. “Pero seryoso sis. Mukha ka talagang tanga kanina. Mukha kang natatae tapos sobrang namamawis. Kinabahan nga ako ng kaunti kasi mukha kang hihimatayin ng wala sa oras nang tinawag ang pangalan ni-” agad kong tinakpan ang bibig niya bago paman niya banggitin ang pangalan ni Gray. “Athia!” nanlalaki ang matang sita ko sa kaniya at pasimpleng kinurot ang n****e niya.  “Ay gaga,” malutong na mura nito at pinagkrus ang kamay sa dibdib niya at tinapunan ako ng masamang tingin. Ako naman ngayon ang napangisi sa kanya. “Wag mong takpan. Wala ka naman poprotektahan. n*****s lang meron ka,” pang-aasar ko sa kaniya na ikinasama ng tingin niya sa akin.  “Ouch bes, masyado ka namang mapanakit magsalita” kunyari ay na-hurt niyang sabi with matching facial expression na tila aping-api. Napailing na lang ako at sinara na ang bag ko. “Saan ka pupunta?” takang tanong niya sakin. “Sa library, sama ka?” agad na nag-iba ang expression niya sa mukha. Of course, she hates books. Kung hindi nga lang required na mag-aral ay sigurado akong hindi mag-aaral ang babaeng 'to. Sobrang tamad kasi. Pero matalino 'yan. Kahit isang beses niya lang basahin ay kaya na niyang alalahanin. Yun nga lang, tamad.  “Eww, library? who goes to the library nowadays?” nandidiri nitong sabi at nangisay pa na tila kinikilabutan.  Ang OA talaga! Minsan hindi ko talaga maiwasang mapaisip kung paano ko ba to naging kaibigan ang topaking babaeng 'to. Sobrang baliktad kasi talaga ang personality naming dalawa. Kung ako ay sobrang tahimik siya naman ay napakaingay. Masyadong bungangera na minsan ay wala nang gustong kumausap sa kaniya kasi kapag siya ang nagsimulang magsalita ay hindi ka na makakasagot dahil siya na lang ang magsasalita the whole time.  But despite that side of her ay sa kaniya lang ako komportableng mag-ingay dahil aside sa katotohanan na siya ang una kong kaibigan dito sa university ay siya lang rin ang one and only friend na meron ako kaya pagtitiisan ko na lang. Ilang years na lang naman at graduate na ako.  Syempre joke lang 'yon! Love ko kaya si Athia! “Why do I get the feeling na jinu-judge mo ako sa isip mo?” akusa niya at dinuro pa ako sabay pinanliit  ang mga mata niyang singkit na. Natatawang hinawakan ko ang hintuturo niya at binaba iyon.  “Aalis na ako, beep me na lang if hindi pa rin papasok ang teacher natin sa next subject para diretso na ako ng uwi after. Dadalhin ko na lang rin bag ko in case,” paalam ko sa kaniya. Alam naman niya kung bakit hindi ako tumatambay sa classroom. Ayoko kasi sa maingay kaya palagi akong tumatambay sa library. “Okay,” she said in a sing song tone and sat on her own chair at binuksan ang phone niya. She opened her f******k and scrolled down her feed. Kibit balikat na tuluyan na akong tumalikod at tuluyan nang lumabas ng classroom. Syempre pasimple muna akong sumilip sa upuan ni Gray para tignan kung nandoon ba siya.  'Nasaan na naman kaya 'yon?'  tanong ko sa isip nang makitang wala siya sa upuan niya. Like me ay palagi ring missing in action si Gray sa classroom kasi ayaw din niya na maingay.  'Bale. We are meant to be?' parang tangang kinilig ako sa naisip ko.  Nailing na lamang ako sa sarili ko and made my way towards the library. As usual. halos wala na namang vacant space dito sa library. Exams week is fast approaching and although tatlong library ang meron ang school namin ay dagsaan at kumpulan pa din ang mga students. Malaki din kasi ang population namin.  I placed my bag sa counter kung saan kailangan namin iwan ang mga bag namin. I checked it first to see if wala na ba akong naiwan doong importante at saka dumiretso na sa entrance where we have to show our ID dahil bawal ang outsiders dito.  “Oh Lilith. Bakit mukha kang pinagsakluban ng langit? kung kailan malapit na ang dismissal doon ka pa nayamot?” bungad sakin ni Trina. She is a student but at the same time working as an assistant librarian. You see, our school fees are no joke. Our university is one of the high class schools where you can find na mostly elite students lang ang pumapasok.  At the same time ay sobrang generous naman ng University namin at marami kaming mga scholars na nandito. Ang requirement lang naman kasi ay kung naka-graduate ng with honor noong highschool and passed the entrance exam. Kailangan din na makapasok sa top 100 na they ranked base from the scores from entrance exam. Syempre kumapit pa talaga ako sa ika-100 na place! There were also papers and forms required pero accessible naman from my previous schools.  To be honest dito lang talaga ako nag-apply. Lakas ng loob diba? Pero thankfully hindi naman ako pinabayaan ni Lord at sa isang shot lang ay may school na agad ako.  From anak ng artista hanggang sa anak ng mga pulitiko ay nandito. There are also foreigners who are studying here. In fact almost half nga ng population ng school are foreigners. And take note, dahil sa status ng iilang students na nag-aaral dito ay merong mga reporters and media na tumatambay sa labas ng school. Sounds cool right? But no. Sobrang hassle dahil sobrang traffic papuntang school. Yung mga media kasi ay pina-park ang sasakyan sa mismong labas ng school. Hindi tuloy makadaan ang ilang mga sasakyan. Not to mention the bodyguards and escort ng ilang mga students na naka-convoy pa. Sosyal diba?  “Ugh, please wag mo na akong tanungin” I handed her my ID and she giggled while scanning my ID sa monitor kung saan na re-record ang lahat ng students na pumunta ng library.  “Hindi naman sa chismosa ako, slight lang pero hindi naman ako naki-chismis dahil narinig ko lang,” nakangising saad ni Trina sabay balik sa akin ng ID ko. I rolled my eyes and snatched my ID from her.  “Kung ano man ang narinig mo, wag mo nang ikwento sa akin.”  “Girl, of all people ba naman kasi? si Gray pa? Like the great Gray Audi Salvatore? Swerte na ngang tumingin iyon sa babae pumatol pa kaya?” ‘If only you knew’ isip ko.  Grae is really aloof lalong-lalo na sa mga babae. Allergic yata 'yon sa babae eh. Mostly kaibigan niyang lalaki lang ang kasama niya but most of the time he is alone and doesn’t want to be bothered. The only exemption  na lang ay kung may group work kung saan kailangan niyang makihalubilo sa groupmate niyang babae, but in a normal situation? Nganga na lang talaga dahil deadma sa kanya. He have this cold appearance that makes approaching him difficult. Kaya karamihan ng nagkakagusto sa kanya ay tinatago na lang ang feelings nila.  Ilan na ang sumubok pero umuwing luhaan because he always reject them straight away even before they can say something.    I shivered at how cold he is.  'But what if he knows the truth? Will things be different?' Iyon ang palagi kong iniisip. Kung may kaibahan ba sa sitwasyon namin kung malalaman niya ang katotohanan. But I'm too scared to take the risk. Tempting as it sounds but as much as possible I want to keep my mind within what is real. At 'yon ay ang katotohanan na walang chance na ibalik ni Gray sa akin ang nararamdaman ko sa kaniya. Plus, kung may magugustuhan man siya ay masdyasong malabo na ako 'yon.  Hello! I mean. Look at me!  “Trina, librarian ka ikaw pa nag-iingay,” sagot ko sa kanya sabay turo ng signage na “Tone down your voice”. Napailing na lamang ako at pumunta na sa section ng literature and searched for the book na ilang beses ko nang nabasa pero hindi pa rin ako nagsasawang basahin.  Napakunot ang noo ko nang mapansing wala iyon sa dati nitong pwesto. “Siguro nag-change sila ng set-up?” I mumbled to myself and looked around in search for the book. 'Aha! there you are'   I blew some strand of my hair na tumabing sa mukha ko nang makita na nasa pinakatuktok iyon ng shelf. I looked around to see if there is someone na I could ask to reach the book for me pero agad din akong napanghinaan ng loob nang ma-realize na tanging mga untouchable peeps lang ang nandito.  What I mean by untouchable is iyong mga students na anak ng mga important persons in the country. Untouchable because no matter how grave the trouble they got into ay nalulusutan nila ng walang problema. I guess hindi talaga maiiwasan na bawat school ay merong mga special treatments para sa ganoong mga estudyante. Privilege that only them can afford. They walked away while talking to each other habang ako ay nakasunod lang ng tingin sa kanila. I sighed at nilingon ulit ang libro.  I tried to jumped many times trying to reach for it pero sobrang kinapos talaga ako sa height and I blame that to my father na 5’8 lang ang height. “Okay I give up,” habol ang hiningang sabi ko dahil napagod ako kakatalon. But just when I gave up, a bright idea immediately came into my mind.  I looked at the shelf at ang pinapatungan ng libro. Kinapa ko iyon at pinakiramdaman kung matibay ba. It’s thick and for sure kayang kaya niyon ang weight ko. I grinned and raised my left foot at pumatong sa 2nd level ng shelf. I reached for the 4th level and held into it to support my weight para mataas ko ang right foot ko. I positioned my body carefully para hindi ako mahulog and reached for the book which is placed on the 6th level of the shelf.  “I gotchu!” masayang sambit ko nang tuluyan kong maabot ang libro.  It’s the ‘Timeless tales of gods and heroes’ by Edith Hamilton. I am a die hard fan of mythology and this book for me is the OG!  Nasa kalagitnaan ako ng pagsasaya nang maramdaman kong rumagitnit ang inaapakan ko. “Uh oh,” I tried to jump back but it was too late dahil nasira na ang inaapakan ko at ang level na hinahawakan ko. And before I knew it, sunod-sunod na nahulog ang libro sa shelf na iyon at gumawa ng ingay.  “f**k,” I heard a familiar voice said followed by a heavy footsteps coming from the other side of the shelf towards my direction.  I froze when I saw kung sino iyon. “You?” kunot noong sabi niya and walked towards me. I sucked in a huge amount of air while feeling the fastening beat of my heart. Sa paningin ko ay tila nag-slow motion ang paligid habang nakatingin ako sa kanyang naglalakad papunta sa direksyon ko.   I flinched when he raised his hand. Akala ko talaga ay sasampalin niya ako or ano but instead he raised a book. “Can you stop getting into my way? You’re f*cking annoying,” he spit those hurtful words right in front of my face.  I fixed my  glasses and looked down. “I’m sorry,” nahihiyang hinging paumanhin ko. I didn't know he was on the other side of the shelf. If only I knew, I would've been more careful. But I was careful, I just didn’t expect and thought of the fact na it's an old shelf and probably wouldn't able to support more weight.  He tsked and took a step back. Even with the distance ay amoy na amoy ko pa rin ang pabango niya. “Looks like your in deep s**t,” he said in a cold tone and walked away.  Tsaka lang naman ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtaas ng tingin nang tuluyan na siyang makalayo pero agad din akong napaiwas ng tingin nang mapansin ang ilang students na nakatingin sa akin at nagbubulungan.  'Oh come on. Ako na naman ang center ng chismis!'  Asar na sabi ko. Syempre dahil si Gray ang nagalit sa akin at big deal iyon! “Oh dear,” I mumbled when I saw the situation. Sobrang kalat na ng libro at may iba pang napunit tapos sirang-sira na ang shelf. "I'm sorry Papa," I muttered under my breath.  -- ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD