Chapter 2: Heir

1010 Words
"Thanks for tonight. You're quite dull but I still do enjoy your hole. You can leave now," I coldly said while I put my boxers on. Katulad ng aking inaasahan, walang pinagkaiba si Rachel sa ibang babaeng ipinakilala sa akin ni Daddy. Sa unang gabi pa lang ay talagang lumalabas na ang kanilang motibo sa akin. She is rich, no doubt on that, so money is not her goal. Pero hindi lang naman pera ang habol ng mga babae, dahil kadalasan mas tumitingin pa sila sa pisikal na katangian ng mga lalake, like her, isang sabi ko lang ay kusa na rin niyang inalis ang kanyang damit at buong pusong inialay ang sarili sa akin. "What?" takang tanong ko pa sa kanya nang makita kong hindi man lang ito gumalaw sa kanyang kinahihigaan. "Do I really need to go now? Hindi ba puwedeng dito na lang din ako matulog kasama mo? My body is still weak, you drained all my strength after all," nagpapaawang ani pa niya. Pinagpatuloy ko lang ang aking pagbibihis bago ko siya walang ganang hinarap. "If you want to stay here that's your choice, I'm not staying here so enjoy," malamig ko pa ring sabi bago tinungo ang pintuan ng aking silid. "Oh, I forgot to tell you, my Dad's room is just on the next door. If you still feel horny just knock there," pahabol ko pa. Ngunit bago pa man ako makalabas ay agad na humawak sa akin ang kanyang kamay, hindi alintana ang hubad niyang katawan. "What are you saying, Elijah?" takang tanong pa rin niya. Muli naman akong umayos sa aking pagkakatayo at muli siyang hinarap. "Ang gusto ko lang namang sabihin ay TAPOS… NA… AKO… SA'YO… oh, Tagalog na 'yan ha para mas maintindihan mo," kalmante ngunit may diin ko pa ring wika. Tila tinakasan naman siya ng katinuan dahil sa narinig. "What do you mean? I thought we're okay. 'Di ba pumapayag ka na sa gusto ng mga magulang natin?" ngayon ay naluluha na nitong wika. Hindi naman ako nangangamba na may makakita sa amin sa ganitong tagpo sa loob ng aming bahay. Malalim na rin ang gabi at paniguradong tulog na ang lahat ng kasambahay. Maging ang mga magulang niya ay paniguradong umalis na rin, sino ba naman kasi ang mananatili sa bahay ng business partner nila nang alas dos ng hatinggabi kung wala namang party na nagaganap. Hilaw akong tumawa dahil sa kanyang sinabi. "That's what you thought, but sad to say I will not do such thing. Dahil katulad mo, katawan mo lang din ang habol ko, nothing more, nothing less," huling sabi ko sa kanya bago siya tuluyang iniwan. Bahala na siya kung paano siya makakauwi sa kanila, ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makaalis sa bahay na ito bago pa ako maabutan ni Dad sa paggising niya. Like what I expected, wala pa mang alas diyes ng umaga ay umalingawngaw na ang telepono ko. Okay na sana at wala akong pasok ngayong araw, pero naputol ang pagtulog ko dahil sa isang tawag. Without looking at the caller's ID, I lazily answered the call, "Hello…" "Where are you?" galit na tanong sa akin ni Daddy. Hindi pa man niya nasasabi ang nangyayari ay may hinala na ako kung bakit siya galit na galit ngayon. "Dad, ang aga naman ng sermon mo, hindi ba pwedeng mamaya na 'yan? I'm still sleepy," mahinang reklamo ko pa sa kanya bago tumihaya at itinakip ang aking braso sa aking mga mata. "Elijah Theodore, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo ngayon. Nasaan ka at anong ginawa mo kay Rachel?" galit pa ring ani nito. At katulad ng inaasahan, ang babaeng iyon nga ang dahilan ng galit niya. Wala na akong nagawa pa kundi ang maupo sa aking kama at tuluyan nang kausapin ang aking ama. "Dad, she wants what happened, okay? Maka-react ka naman, akala mo naman nirape ko siya. And if you tell me to marry her because of what happened, hell no, hindi ako magpapatali sa katulad niyang babae," medyo naiirita na rin ako sa pagpapaliwanag. Talaga kasing masakit pa rin ang ulo ko dahil pagkatapos kong umalis sa bahay kanina ay dumaan pa ako sa bar ng kaibigan ko. I was drunk and went home around five in the morning kaya naman sumisipa pa rin ang hangover ko. "Elijah, you're not a kid anymore, kailan ka ba magma-mature ha? Paano kung mabuntis mo ang anak ni Mr. Sanchez ha, anong gagawin mo?" nagpipigil pa rin ng gigil na turan ni Daddy sa kabilang linya. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa kakulitan niya. "Dad, that will never happen okay. Oo, may nangyari sa amin but I used protection, saka hindi nga ako nilabasan kagabi. At isa pa, Dad, hindi lang ako ang lalaking nakagalaw sa kanya, no, she is not a virgin after all," depensa ko pa rin, which is totoo naman. Isang impit na sigaw naman ang narinig ko sa kabilang linya na tila nagpipigil si Daddy na magwala dahil sa sinabi ko. Ngunit ilang sandali pa ay muli kong narinig ang kanyang tinig. "Elijah, hindi na ako natutuwa sa mga pinaggagawa mo. For God's sake, you're already thirty, pero ang utak mo pang teenager pa rin. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa iyong bata ka. Pero pasensyahan na lang tayong dalawa, you left me with no choice, son. Isang taon, isang taon lang ang ibibigay ko sa iyo. And in that one year I want a heir from you, and if you fail to do that, pasensyahan tayo, ibibigay ko ang lahat ng yaman ko sa Mommy mo, tutal kasal pa rin naman kaming legal," huling pagbabanta pa nito bago tuluyang pinutol ang tawag. Sa pagkakataong ito, I know I really messed up. Alam ni Dad kung gaano ako kagalit sa babaeng iyon at ang isama siya sa usapan ang huling alas na meron siya. In that case, I need to give him a heir, and the only option in my mind is to get a surrogate that will carry my heir.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD